41. Payong Kaibigan

166K 4.6K 620
                                    

Chapter 41

"Jusko, Alison! Dapat umamin ka na sa kanya about sa feelings mo. Based on what you have said, mukha namang naghihintayan lang kayong dal'wa!" Napapangiwi nalang ako sa paghyhysterical ni Emma. Nakwento ko na kasi sa kanya yung napag-usapan namin kani-kanina ni Arthur. Napapaisip na kasi ako. Malakas ang kutob ko na may gusto siya sa akin. Okay, let me rephrase it. . . may gusto rin siya sa akin. Ramdam ko naman yun e. Hindi naman ako manhid para hindi yun maramdaman at mas lalong hindi ako tanga para hindi siya maintindihan.

Lately, nagpapalipad hangin na siya sa akin. It's as if he was provoking me to confess first before himself. Syempre hindi ko naman yun gagawin. Like duh! Babae ako!

Two hours ago na ang nakalipas nang umalis si Arthur papunta sa office. Halos mag-iisang oras namang nandito sa penthouse si Emma. Nung una, halos tulo ang laway niya nang makaapak siya sa loob nito. Na kesyo bigtime raw at sa movies lang daw niya nakikita ang ganitong tirahan. Haayyy! Seriously, ang ignorante niya kanina.

"O, natahimik ka dyan?" puna sa akin ni Emma. Parehas kaming nakaupo sa sofa sa sala. Nanunuod ng movie kahit hindi naman nandun ang focus namin. "Alam niyo, pinapahirapan niyo lang ang sarili n'yo. Amin-amin din kasi pag may time!"

Umirap ako sa kanya at dumampot ng popcorn mula sa bowl. "Gaga, hindi ganun kadali yun. Ilang buwan pa lang ba kami magkakilala? Dalawang buwan mahigit pa lang," sabay subo sa bibig ng popcorn.

Hinampas niya naman ako sa balikat. Dahek! Muntikan pa akong mabilaukan dun. "So what? Parehas naman kayong nahulog na sa isa't-isa." Umiling siya ng ulo na para bang disappointed sa sagot ko. "Ang love, wala yan sa bilis. . . na sa lalim yan."

Pinagkunutan ko siya ng noo sa lalim ng sinabi niya. Natawa naman siya dahil siguro sa reaksyon ko. "Seryoso, maraming cases ng ganyan klaseng lovestories. Ang tawag d'yan, whirlwind romance. Mabilis pero seryoso," sabay kindat niya sa akin.

Napapaisip tuloy ako sa mga pinagsasabi ni Emma. Imbes na makatulog siya ay mas lalo lang niyang ginulo ang pag-iisip ko. Posible bang ma-in love ng ganun nalang kabilis? Kahit nga ako ay hindi pa rin sigurado kung mahal ko si Arthur. Well, I'm in love with him but I still don't know kung sapat na ba yung pagmamahal ko na yun para isakripisyo ko ang buhay ko sa Astrid para manatili na kasama ang mag-ama.

Oo, napapaisip na talaga ako tungkol sa mga bagay na 'yon. Hindi naman habang panahon ay itatago ko ang sikreto ko kay Arthur. Gaya nga ng sinabi ko, mahal ko siya. At kung mahal mo ang isang tao, dapat hindi ka naglilihim sa kanya. TEKAAA! Mahal ko nga siya pero mahal din ba niya ako?

Matagal ako natulala sa pinapanuod naming 'The Maze Runner'. Panay ang tili ni Emma kapag si Newt ang finaflash sa screen. Ako? Ang lalim ng iniisip ko.

"Uy, akala ko ba magpapatulong ka sa akin para sa upcoming birthday ng anak mo?" tanong sa akin ni Emma nang matapos na ang movie. "E mukhang nawala ka na yata sa sarili dyan e. Amin-amin na kasi, Alison."

Pinatay ko ang LED screen gamit ang remote control at saka ako bumaling sa kanya. "E paano nga kung i-reject niya ako? Naku, Emma. Hindi ko kakayanin. Mawawasak ang pride ko!"

"Parang gaga 'to," sumubo siya ng popcorn habang nakatingin sa akin ng masama, "Hindi ka pa nga umaamin, yan na agad ang iniisip mo. 'Wag ka ngang nega dyan."

"E kasi naman, bakit ba ako dapat ang unang umamin? Siya dapat, kasi siya ang lalaki!" Napasigaw na ako. Well, okay lang naman yun dahil solo namin ang penthouse. Umalis kasi kanina si Manang Betchay para mag-grocery. In short, the coast is clear.

"E kung hindi ba naman torpe si Boss babe mo, hindi mo na kailangang umamin. Kaya sorry ka nalang! Kung ayaw mong maging nganga ang lovelife mo, gora ka na, 'teh!"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now