40. Clingy

158K 4.6K 515
                                    


Chapter 40

Scarlett's POV

I was panting real hard while walking so quick papunta sa parking lot. Hindi ko na nga inalintana ang bigat ni Venice sa mga bisig ko dahil ang tanging gusto ko lang ng mga oras na 'yon ay makalayo na sa lugar na iyon.

"Mom, what's wrong?" Venice asked cluelessly.

Hindi ko siya sinagot dahil abala ako sa pag-alala kung saan naka-park ang kotse ni Arthur. Sh1t! Nanlalamig ako kahit na tagaktak na ang pawis ko. Nung una ay si Sitti, ngayon naman ay si Garrett ang nakita ko. Para tuloy akong na-trauma na sa pagpunta sa mall.

"Alison!"

"Ah!" Nahigit ko ang hininga ko nang may pumigil sa braso ko. Pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Arthur.

"Ano bang problema?" Kinuha niya mula sa akin si Venice at inakbayan ako habang ginigiya sa direksyon ng kanyang kotse. Pagkapatunog niya sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat. I quickly got in that I almost stumbled down. Hindi naman siguro ako nakita ni Garrett, 'diba?

Huli na nung namalayan kong sa passenger's seat isinakay ni Arthur si Venice. Pagkasakay ni Arthur ay mabilis niyang pinaandar ang kotse paalis. Dun lang ako nakahinga ng maluwag kahit papa'no. Hindi ko alam pero parang nanikip ng bahagya ang dibdib ko pagkakita sa lalaking iyon.

Garrett Evangelista. . .

He is still the same guy I've known for years. Hindi ko lang lubos maisip kung ba't naging ganito ang reaksyon ko pagkakita sa kanya. The effect was still there. Yung galit ko ay parang napalitan ng ibang emosyon. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa sarili ko.

"Alison," I snapped back from my deep thoughts when I heard Arthur's low voice. "What's wrong? Do you want me to take you to the hospital?"

Napakurap ako ng mga mata. Ospital? Para saan? And then I realized what my alibi was earlier. Oo nga pala. Sumakit kuno ang tyan ko. "Uh... 'wag na. Mas mabuti kung sa bahay nalang tayo."

I could feel his worried set of eyes taunting at me through the rear view mirror. "You sure?" kasabay nun ay ang pagbaling ni Venice sa akin.

I sighed, looking out of the window. "Oo, sa bahay nalang."

SA bahay ay dumiretso agad ako sa banyo. I need to act like I got LBM now. Thinking about the scene I pulled out in the resto had weirded them out lalo na si Arthur. I couldn't think properly! Pagkakita ko sa maamong mukha ni Garrett kanina ay parang huminto ang mundo ko.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto. "Alison, I brought you meds. Ayos ka lang ba dyan?"

Pumikit ako ng mariin at sumandal sa likod ng pinto. "Yes, don't worry about me!"

Hindi na siya sumagot pagkatapos nun. Napatingin nalang ako sa sarili kong reflection sa salamin. Namumutla ako. Dammit! Para tuloy akong nagsusuffer sa totoong LBM.

Umupo ako sa nakasaradong toilet bowl at tinext si Emma. Kapag hindi ko ito ma-ishare sa iba ay tingin ko ay mababaliw na ako. Hindi na yata ako safe dito sa Maynila. Nakakaparanoid na baka sa paglabas ko ng condo na 'to ay makita ko ulit siya.

To: Emma

Emma, I saw my ex earlier at the mall. :(

And I typed another sms for her.

To: Emma

What shall I do??

Nag-abang ako ng reply ni Emma pero inabot nalang yata ng sampung minuto ay wala akong na-receive. Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakakafrustrate!!

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now