17. PDA Show

146K 4.9K 500
                                    

17. PDA Show


SCARLETT


"Babe, let me tie this for you," sabay kindat ko kay Arthur. I heard him chuckle as I put the blue tie around his neck. We need to put up a PDA show infront of his daughter. It's the best thing I should do para naman masulit yung bayad sa akin ni Arthur.

"Ayos na ba, babe?" Acck! Ang korny ng tawagan namin, promise.

He smiled to me. Kailangan ba ng eye to eye contact dito? Nanghihigop talagang tumingin si Arthur e. "It's fine now, Alison."

"Babe naman e." Yumakap pa ako sa kanya at nagsumiksik sa dibdib niya. Sinilip ko ang reaksyon ni Venice. Nakatingin lang siya sa amin habang kumakain ng breakfast. Unlike kahapon, yung tingin niya ngayon, parang ang smooth na. Am I doing it good?

"Alison, yakap ka ng yakap. Kagabi ka pa."

I can't believe my ears. Tama ba yung narinig kong sagot ni Arthur? Jusko po. "Tawagin mo kasi akong babe." Mamaya talaga mag-ga-gargle ako. The words that come out from my mouth is just... ugh!

"Okay, babe." He chuckled and I hate it because he sounded so sexy. Kinurot ko nga siya sa tagiliran. "Aray. Ang sakit nun ah." Napaigtad tuloy siya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at saka ko sinapo ang mukha niya. Ang kinis! Alaga sa shave si Kuya. "Ang gwapo talaga ng babe ko. Ako, maganda ba ako?"

I was froze when I felt him placed his arm at the back of my body. Just above my butt. Aba, dumadamoves ah. "Syempre, maganda ang asawa ko. Kaya nga maganda si Venice diba?"

Pagtingin namin kay Venice, naabutan namin siyang nakatitig sa amin and then she looked away. Nagfocus nalang sa cereals niya. Nagkatinginan tuloy kami ni Arthur.

"Am I doing good?" I whispered.

"Oo," he smiled widely. Sa sobrang wide, nakakapang-asar na ngiti na tuloy. "'Wag mo lang ulit kukurutin ang abs ko. Masakit, babe."

At naramdaman ko nalang na kinurot niya rin ang likod ko. Napahiwalay tuloy ako sa kanya. Talagang gumaganti ah! Teka, abs ba yun? Kaya pala matigas. Gosh. Can I give it another pinch?


Hindi ko alam na kasama pala sa daily routine ni Arthur ang paghatid kay Venice sa school. Kaya eto kami ngayon, on the way na sa E.H.A. We are both sitting on the backseat; me and Venice. Yun nga lang, nasa magkabilang dulo kami. I caught Arthur taking glances at us. Ang awkward. Naiilang ako sa bata.

"We're here," Arthur announced before he climbed out of the car. Pinagbuksan niya kami ng pinto sa backseat. As I stepped out, I saw Venice looked at me. Kanina pa siya ganyan, actually. Kanina pa since Arthur and I showed to her how we loved each other so much. Talk about love? Ang hirap. Hindi naman love yun. Landian stuff lang namin yun.

"Makinig ka sa teachers mo, okay?" paalala sa kanya ni Arthur saka niya ito hinalikan sa noo. Napansin ko pang ngumuso sa akin si Arthur na parang isinisenyas niya ako kay Venice.

What am I gonna do?

"Oh," I gasped when I finnaly understood what he was trying to say. So, medyo umupo ako para lumevel sa height ni Venice. "Venice, be a good girl ha? Kapag may nang-away sayo, isumbong mo lang sa akin. Nandito na ang mommy mong maganda. Kasing ganda ng baby ko," malambing kong sabi sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

Tinignan ko ang reaksyon niya. She seems so stiffed. Ang cold niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Siguro nga, it'll take before she can finally accept me.

Let's Talk About Us [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum