58. Family Dinner

178K 5.2K 1.3K
                                    

#LTAUArthur

AN: Dedicated to @Invisible_88 dahil sa kanya ang napili kong sagot sa question ko sa group. If you want to joing our group in FB, just search Yhel's stories group. :)



58. Family Dinner

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari nung gabing iyon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sariling kiligin na para bang high school student lang. Kahit tuloy kay Emma ay naikuwento ko na and guess how she reacted?

"Ano? Ikakasal ka na?!"

Napakagat nalang ako sa ibabang labi at pinigilan ang sarili na mapahagikhik. Hindi ko na talaga made-deny ang lahat. Kung dati ay Queen of in denial ako, pwes ngayon... I'm all out.

"Oo nga, Emma. Nagpropose na sa akin si Arthur." Naramdaman ko na naman ang pag init ng pisngi ko. Sa sobrang tuwa ko du'n sa puzzle ay nilagay ko ito sa frame at idinisplay sa kwarto namin. Balak ko ngang iuwi 'yon sa Astrid pagbalik ko dun. Tuwang tuwa talaga ako sa puzzle na iyon. It needs to be treasured, yeah?

Suminghap siya. "Gaga ka! Kaya pala out of reach ka lately, may nangyayari na palang something... Buntis ka?"

Ako naman ang napasinghap sa sinabi niya. As in, hindi ako agad nakasagot dahil sa bigla ko. "Hindi 'no. Buntis agad? Hindi ba pwedeng ikakasal kami dahil ayaw na naming pakawalan ang isa't-isa?"

"At mahal niyo ang isa't-isa." Naiimagine ko ang marahan niyang pagtango kaya napangiti ako. "Fine. Paano ba nangyari 'yan? Make kwento na!"

Kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat. I didn't miss any single detail. Kahit noong pag uwi ko sa Astrid, maging sa pagtatraydor sa akin ni Sitti ay nailahad ko. As expected, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko tungkol kay Sitti.

"E paano 'yan, Alison? Base sa kinuwento mo, kailangan mo na ring mangamba sa mga negosyo ng pamilya mo. Sabi mo, pamilya ni Sitti ang may hawak diba?"

Huminga ako ng malalim at natahimik nalang. Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang umuwi ako galing Astrid. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa mga negosyo namin. Tinatawagan ko naman si Yaya Caridad every now and then para mangamusta pero mas inaalala ko kasi ang parents ko sa America. Kailan ba sila uuwi?

"Hindi ko alam, Emma. Sa sobrang contented ko ngayon sa buhay ko, nakalimutan ko na 'yong pagtatraydor sa akin ni Sitti. Bahala na ang Diyos sa kanya..."

"Alam mo, Alison, kahit na pinsan ko pa si Sitti, gusto ko siyang tirisin! Paano niya nagawa sa'yo 'yon?"

Tamad lang akong ngumiti sa repleksyon ko sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. "Wala e. Nagawa niya na, Emma."

"Tss. Nasabi mong sinaktan ka niya 'di ba? Hindi pwedeng hindi mo alam ang gagawin mo. Magpatulong ka kay Arthur. Kailangan ng legal actions 'yan."

Lumabi lang ako. Naisip kong may pinagsamahan kami ni Sitti. Hindi nga lang tunay 'yong treatment niya sa akin pero 'yong treatment ko sa kanya ay walang halong kaplastikan.

"Hayaan mo na. Ayoko na ng gulo—"

"Ma'am, tapos na po. What do you think of your new haircolor?"

Sa pagdeklara ng hairstylist ko ay finocus ko ang sarili sa salamin. Napangiti ako sa resulta ng new hair style ko. Medyo pina trim ko lang ng kaunti ang buhok ko at pinakulayan ng ash brown.

"Emma, I need to go," baling ko ulit sa kausap sa kabilang linya.

"Mukhang nasa salon ka, a! Fine. Usap tayo next time." Siya na ang nagbaba ng tawag kaya naman ay medyo pinagmasdan ko pa ang bago kong hair style. Magugustuhan kaya ni boss babe 'to?

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now