2. Living Away From Home

219K 5.6K 329
                                    

2. Living Away From Home



SCARLETT



As much as possible, iiwas ako sa mga taong may apelyidong Evangelista. You can't blame for panicking. Evangelista is my ex arsehole boyfriend's surname. At please lang, ayoko nang magkaroon ng koneksyon sa kahit sinumang kadugo niya. I hate everything about Garrett. Just a mere mention of his name makes my blood boil in anger.

Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin. Dahil sa kanya, naisipan kong lumayas sa Astrid at nakipagsapalaran dito sa Maynila na may limang libong piso lang na pera sa wallet ko. Nagkasakit pa nga ako sa sobrang pagod sa byahe. Pakiramdam ko, nabugbog ng todo ang katawan ko sa lecheng trunk na iyon. Kaya imbes na makakilos sana at gumawa ng paraan kung paano ako mabubuhay sa Maynila, hindi ko magawa dahil sa trangkaso ko.

It is my second day in Manila and I fcvking miss home so much.

"Scarlett!" bungad na pambati sa akin ni Sitti nang tawagan ko siya gamit ang bago kong sim card. Napaungol lang ako at nagtalukbong ng kumot sa buong katawan. Lantang gulay ang feeling ko ngayon.

"Sitti, could you help me here?"

"Where on earth are you? Nag-aalala na ang pamilya mo sa'yo! Nawala ka nalang bigla nang hindi--"

"Sitti, pwede bang huwag mo akong sermonan ngayon? I am sick and I don't have someone here to take care of me," I said weakly and I felt like crying. Kapag kasi nagkakasakit ako, may nag-aalaga sa akin sa bahay. I have everything in the world unlike now. Para akong ibon na pinutulan ng pakpak.

"God! Ikaw kasi e!" I could imagine how she slapped her forehead in frustration and I just groaned dahil sinisi niya pa ako. "Where are you exactly?"

"Bakit? Ipapasundo mo ako?" I sighed in exasperation. She's got a strong bond with my parents since she's a family friend who've become my bestfriend kaya naman I could sense na isusumbong niya ako. I do not want that to happen!

"You're sick, Scarlett. At isa pa, nag-aalala na ang buong hacienda sa'yo."

"At ipapasundo mo nga ako?"

"Kaya nga sabihin mo na kung nasaan ka ngayon. Kung gusto mo, ako mismo ang susundo sayo, Scarlett."

Napapikit ako ng mariin. Sumasama lang lalo ang pakiramdam ko kapag iniisip ko pa lang na babalik na ako sa Astrid. Nagpakalayo-layo na ako, bakit hindi ko pa ituloy?

"Sorry, Sitti but I still won't go home. Bye," sabi ko at ibababa na sana ang tawag nang pigilan niya ako.

"Fine!!"

I raised a brow. What did she mean by 'fine'? "What?"

"Pasalamat ka, bestfriend kita kundi... naku! Sige na, I'll keep it as a secret between us two. Walang makakaalam."

I heaved out a big sigh in relief. We've been bestfriends since highschool and we used to cover up each other's mistakes. Kaya naman, I'm so thankful to have her in my life! "Thank you, Sitti! You're the best!" I was so happy I can't help myself but to cough. I almost forgot that I am sick.

"Okay, magpahinga ka na muna. Text me where you are exactly."

Natahimik ako. Medyo nagduda ako sa sinabi niya. She still wanted to know where I am? "Sitti, baka naman--"

"Whatever is running in your mind now is wrong. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka ngayon. Pupuntahan kita..."


Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now