34. As If

162K 4.9K 718
                                    

34. As If

I honestly wanted to scream right at his ear. Scream kasi. . . gusto kong magwala! As in, AAAAAAAAAAH!! Boss babe, is that really you? Seryoso ba talaga 'to o isang guni-guni lang. Sh1t, don't tell me hindi pa ako nahihimasmasan sa pag-inom ko kagabi ng lecheng alak na 'yon ah! Pero hindi e. I blinked my eyes several times to make sure na hindi ako naghahallucinate. Dammit! Did he really say that while he's embracing me??

Of course. He really did, Alison. Hindi maka-get over? Ilang hours na ang nakalipas pero hindi pa rin ma-sink sa utak mo yung sinabi niya?

"Dammit! I'm going insane," sambit ko habang nakatingin sa sarili kong reflection sa salamin. It's soon to be sunset. Actually, hindi ko alam kung paano lumipas ang oras ko kasama si Arthur after niyang sabihin 'yong sinabi niya sa akin kanina sa sidewalk.

". . . I told you not to fall in love with me, didn't I? Now, please do because I won't mind at all."

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Sh1t! Tuwing naalala ko iyon, automatic na nagrereplay sa utak ko yung accidental kiss namin sa airport. Oo, nababaliw na nga siguro ako! AAAAHH! Dapat ko nang tanggalin 'yon sa utak ko. Kapag nanatili lang yun sa isip ko, hindi ako makakapagconcentrate. Kikiligin lang ako ng kikili—

"Alison, you okay in there?"

"Ay, pusa!" tinakpan ko ang bibig ko sa pagkabigla sabay sandal sa pinto ng banyo. Nagpaypay ako ng sarili ko gamit ang palad ko. Darn! Why am I starting to get tensed? Si Arthur lang naman 'yan.

Kumatok siya this time. "Alison, do you hear me? Kanina ka pa dyan ah."

Tumikhim ako sabay hingang malalim. "O-oo, ayos lang ako, Boss!" Hoo! I can't keep calm. Actually, kanina pa ako ganito sa kanya simula ng eksena sa sidewalk. Naiilang na talaga ako. Aminado naman akong gusto ko siya pero hindi ko akalain na magkakagusto rin pala siya sa akin. Wait, what? He did not really admit it pero the way he said those words kanina, diba parang ganun na rin yun?

"Alison, sisirain ko 'tong pinto. Aren't you coming out?"

Napaalis tuloy ako sa pagkakasandal sa pinto ng banyo. Lumalakas na kasi yung pagkatok niya sa labas. Omg, don't tell me kaya niya ngang sirain 'to?

"As if you can!" at dahil gusto ko lang malaman kung kaya niya ay hinamon ko siya. As if talagang kaya niya.

"Don't test me."

I laughed sarcastically. In his face! Hindi lang talaga niya kaya. "I'm testing you! Sige nga, break it!"

BAM! BAM! BAM!

Nanlaki ang mga mata ko. Oh, fvck! Parang ginigiba niya nga ang pinto. Sa takot ko ay binuksan ko nalang iyon. I swear, hindi maipinta ag mukha ko. Shocked e!

"Lalabas ka rin pala e," nakangising sabi niya at umupo na sa paanan ng kama. "I've noticed that you're uncomfortable with me. Dahil ba yan sa nangyari kanina?"

Nakatingin lang naman ako sa kanya at saka naghalukipkip. B1tch mode muna. I can't show to him that he has an effect on me, na attracted ako sa kanya. I already built my walls around myself. Matatayog iyon at hindi matitibag. I learned that boys will just put you on top like a princess and drop you like a hot potato if they're already done with you. Ganun sila kapag nagsawa, nang-iiwan nalang. Sweet words? Must be their tactics. Alam ko na 'yan kaya hindi pwedeng magpadala sa mga salita kahit na attracted pa ako sa kanya. Hmp.

Napansin niya yatang wala akong balak magsalita kaya pinagpagan niya ang tabi niya na para bang pinapaupo ako dun. "Come here. May pag-uusapan tayo."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon