22. Take Care

158K 5.4K 933
                                    

22. Take Care


SCARLETT


To: Boss Babe

Nandito na ako sa exit. Building A, boss.


Hit send.

"Dito ka ba niya hihintayin, Scar--" Naputol siya sa pagbanggit sana ng pangalan ko nang tignan ko siya ng mataman. "Okay, nasanay lang. Bakit ba trip mo nang gamitin ang second name mo, huh?"

Nandito na kami ngayon sa labas ng mall para hintayin si Arthur. Actually, niyayaya niya pa ako ni Sitti na mag-shopping sana kaso tumanggi na ako. Medyo naiirita kasi ako sa kanya nung bayaran niya ang bill namin sa restaurant. Hindi ko alam kung sadya ba pero parang pinapakita niya talaga sa akin ang makapal niyang wallet. Hindi naman siya ganun dati. Naninibago tuloy ako.

"Wala lang. Para maiba lang. Medyo iba na yung way of living ko ngayon kaya feel ko na ring ibahin ang tawag ng tao sa'kin."

Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ay tumango. "So, what time is your flight tomorrow?"

Nagbawi agad ako ng tingin at tumingin nalang sa driveway. Ang tagal naman ni boss. "6:30pm," I replied blankly.

"Oh. Mag-iingat ka dun, friend huh? Tawagan mo naman ako paminsan-minsan o kaya'y mag-video call tayo. Lately kasi, hindi ka na tumatawag sa'kin." Umakbay siya sa akin at pagkuwa'y tinapik pa ang braso ko. "Take care of yourself."

Tinignan ko siya. Nakangiti siya sa akin, concern is evident in her eyes. Siguro ay napaparanoid lang ako sa kanya. "Sure, Sitti. Ikaw din ha?" Yumakap na ako sa kanya, sakto pang nakita kong huminto ang pamilyar na kotse sa driveway katapat namin. Lumabas si Arthur at bored siyang tumingin sa amin. "Keep an eye to Mom and Dad. Namimiss ko na sila," I said, giving out a sigh.

Nang humiwalay na siya sa yakap ay tinapik niya ako sa kaliwang pisngi. "Nandyan na ang boss mo. Sige na."

"Bye, Sitti."

Ngumiti lang siya sa akin bago ako naglakad patungo sa kotse ni Boss. Pinagbuksan ako ni Arthur ng pinto sa passenger's seat, bago pa ako pumasok ay nilingon ko ulit si Sitti. I saw her wave her hand at me kaya kumaway din ako pabalik bago sumakay.

Nakadungaw lang ako sa bintana habang nagdadrive si Arthur. Hindi ako umiimik, ganun din siya. Siguro na-vibes niya na I'm in my sh1tty mood right now.

I really got upset at what Sitti told me about my parents. Pinabayaan na talaga nila ako na malayo sa kanila. Nagsawa na siguro sila sa paghahanap sa akin. Darn, ginusto ko namang lumayo pero ba't ako nag-iinarte ng ganito?

Huminga ako ng malalim dahil feeling ko, ang bigat-bigat ng dibdib ko. Sa totoo lang, kung may natitira pang dahilan para hindi ako noon lumayas sa Astrid, iyon ay ang parents ko. But then again, I acted impulsively. Nang dahil sa gag0 kong ex, nagawa ko pa 'to. So stupid of me!

Hanggang sa makarating kami sa penthouse ay hindi ako kinibo ni Arthur. Hinayaan niya lang akong dumiretso sa bathroom para mag-take ng mabilis na shower. Gusto ko lang ma-relax saglit dahil sa nangyari kanina sa mall. Kung hindi lang sana kami nagkita ni Sitti, hindi ako mamomroblema nito.

I got out from the bathroom fully-dressed. I caught Arthur drying his damp hair with a small towel. He must have taken shower sa kwarto ni Venice. Nag-angat siya ng tingin sa'kin nang mapansin niya yung presence ko.

"You okay?" he seriously asked. Sa sobrang seryoso, hindi ko tuloy alam kung concern ba siya o nakikichismis lang.

"Ayos lang," sabi ko nalang at ngumiti ng pilit. Umupo ako sa kabilang side ng kama at sumandal sa headboard, still with a towel covering my head. "Nga pala, boss babe. Salamat pala for saving me kanina. In fairness, ang bilis mo makaisip ng palusot huh?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now