44. Surprise

144K 4.4K 645
                                    

Chapter 44

Awkward silence again...

"Ehem. Happy birthday, Arthur!"

Kung hindi pa binati ni Wayne si Arthur para basagin ang nakakabinging katahimikan sa sala ay baka na-suffocate na ako sa higpit ng yakap niya sa akin. He slowly let go off me which is a good thing dahil nakahinga na ako.

"Happy birthday, Arturo! Gurang ka na!" kantyaw nung isa sa kambal habang itinataas ang champagne glass.

Nilingon muna ako ni Arthur at mabuti nalang na saglit lang 'yon dahil pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng hangin. Teka. Sh1t, pwede bang pahingi ng hangin? Yung puso ko kasi nagwawala na sa loob ng katawan ko. Nakaka-distract ang wild palpitation nito.

"Hindi ko birthday ngayon," seryosong sabi ni Arthur at nanigas muli ang buong katawan ko nang ipinadulas niya pababa ang kamay niya sa kamay ko at mahigpit iyong hinawakan. "Mom, are we not still clear about this matter?"

Mama Catalina rose from her seat and approached Arthur. "Arthur, hindi mo pwedeng baguhin ang birthday mo," she replied, her voice a bit bothered.

"Your mom's right, apo. You can never change the date of your birthday. It's August 1 and that's today," segunda naman ni Lola Leticia.

Natahimik ang lahat pero kaswal lang kumilos ang barkada ni Arthur. Marahil matagal na silang magkakakilala kaya sila ganito kung kumilos. Kami nga lang yata ni Emma ang nakakaramdam ng tensyon sa pagitan nina Arthur at ng kanyang Lola at Mama. Saglit. Speaking of, nasaan nga ba si Emma?

Nilingon ko si Emma sa likuran pero nagtaka ako dahil wala na siya du'n. Hanggang sa narinig ko ang boses niya mula sa sala kaya napatingin ako du'n. Aba, ang bruha! Preteng-prenteng nakaupo sa tabi ni Jake at nag-toast pa ng wine glass.

"Akala ko po ba naintindihan niyo na na ayaw kong i-celebrate ang totoong birthday ko?"

"Anak, hindi ka ba nasisiyahan? Your friends planned this out. Maging si Alison ay nakitulong din."

"Aren't you happy, grandson?"

Sa totoo lang, nagtatagis na ang mga bagang ko habang pinapanuod si Emma kasama ni Jake. Nawala na nga ang atensyon ko sa usapan nina Arthur. Kahit na katabi nilang dalawa ang ilan sa barkada nito ay parang may sarili silang mundo. Kulang sa paalala ang kaibigan kong 'to. Yung mga ganyan pa namang itsura ng lalaki ay mapaglaro! Naku, she needs to get rid of him. Ayokong matulad siya sa akin!

Lalapitan ko na sana si Emma nang maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Arthur sa kamay ko.

Tinignan ko siya pero ang mga mata niya ay nakatingin kina Mama Catalina at Lola Leticia.

"I'm sorry, Mom, Lola. Excuse us..." sabi nito't hinila ako palabas ng villa.

Nagpatangay lang ako kay Arthur hanggang sa mapadpad kami sa dalampasigan. Nahuhuli nga lang ako dahil medyo mabilis at malalaki ang hakbang niya.

Nahihiya akong kausapin siya dahil bakas sa mukha niya ang pagkaseryoso. His face was sullen. Natatakot tuloy ako dahil baka masinghalan niya lang ako kapag kinibo ko siya. Hindi niya ba na-appreciate ang effort ng barkada niya?

I started to feel uneasy when I realized that we walked quite far from the villa. Nilingon ko ang pinanggalingan namin at na-bother ako dahil wala yatang balak tumigil sa paglalakad si Arthur. He's out of his mind!

"Arthur..."

And there, his pace started to become slow hanggang sa tumigil siya pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon