53. I'm Home

130K 4.2K 336
                                    

53. I'm Home

Kung tatanungin niyo kung kamusta ang byahe namin papuntang Astrid, masasabi kong... boring. No one dared talk for straight 6 hours on the road. Okay, medyo hindi kapani-paniwala pero kinausap niya lang ako kapag tatanungin niya ako kung gutom na ba ako o kung gusto kong gumamit ng banyo. The rest has been just dead silence...

Wala tuloy akong magawa habang nasa byahe. Gusto ko mang makinig ng music, mag browse sa internet o magtext kay Emma ay hindi ko magawa dahil dead batt ang phone ko. Wala tuloy akong choice kundi ang dumungaw nalang sa bintana habang pinapanuod ang mga dinadaanan naming kalsada.

As much as I wanted to break the silence with Garrett, I just couldn't. Matapos ang tirada ko sa kanya kanina noong paalis palang kami ng Maynila ay hindi na niya ako kinibo. Hurt evident in his eyes. That was maybe the reason kung ba't ang tahimik niya ngayon. This may sound stupid but I suddenly felt guilty.

Kaya naman noong makita ko na ang 'Welcome to Astrid' sign board sa aming harapan ay binasag ko na ang katahimikan.

"Medyo mabilis na rin pala 'yong byahe." Tinignan ko ang reaksyon niya pero nakatuon lang ang atensyon niya sa pagmamaneho.

Dahek! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maitatanggi na concern pa rin ako kay Garrett. I bit my bottom lip and turned my head back to the window. Shet, ganitong ganito ako noon sa kanya sa tuwing nagtatampo siya sa akin e.

I better relax. Those tirades serve him right. Those were just simple words compared to the sh1t he had done to me.

Huminga ako ng malalim at saglit na ipinikit ang mga mata ko. Pagkamulat ay sumalubong sa paningin ko ang mga pamilyar na mga mukhang sinusundan ng tingin ang sinasakyan namin. Nakapasok na pala kami sa hacienda.

Sumiklab bigla sa sistema ko ang kaba. Parami ng parami ang mga nadadaanan naming tao. Nandyan 'yong mga tauhan nila Papa at ilan sa mga taong naging parte na ng pagtanda ko. Shet! Ready na ba ako?

"Kinakabahan ka ba?" Garrett finally spoke.

Huminga ako ng malalim at tumango. "Matagal din akong nawala."

Tinanggal niya ang suot na aviator at isinabit iyon sa gitna na shirt niya. "Kunsabagay, apat na buwan din." Sumulyap siya sa akin saglit habang nagdadrive. "'Wag kang mag alala. Matagal ka na nilang hinihintay."

Panay ang paglunok ko nang mapansin kong palapit na kami sa bahay. Natatanaw ko na kasi iyong courtyard ng bahay namin. It was like my mind suddenly couldn't process anything at all. Anxiety took over my system. Anong sasabihin ng mga tao sa akin? Sina Mama at Papa? Paniguradong magagalit sila sa akin.

Huminto ang kotse sa driveway ng mansion. Para tuloy huminto rin ang paghinga ko sa kaba. Palabas na sana si Garrett nang hilain ko ang laylayan ng kanyang shirt.

Nilingon niya ako. "What?"

"Natatakot ako sa magiging reaksyon nila Mama at Papa. They'll surely get furious, tapos kasama pa kita. Huwag nalang kaya—"

I trailed off. "Scarlett, it's okay. This is your home. You belong here. Huwag kang matakot."

I pursed my lips without responding. Para kasing puno ng seguridad ang mga mata't boses niya.

Tuluyan na siyang lumabas ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako sa passenger's side. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Patagal ng patagal ay lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagbabalik ko sa Astrid o dahil kay Garrett.

"Scarlett..." His voice was full of encouragement. His eyes were even hopeful.

Napalunok nalang ako nang tanggapin ko ang kamay niya. Inalalayan niya akong lumabas ng sasakyan at sa pagtapak palang ng mga paa ko sa sahig ay may narinig na akong boses mula sa loob.

Let's Talk About Us [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin