39. Shopping

150K 4.5K 407
                                    


Chapter 39

Nagising ako nang maramdaman kong may yumakap na braso sa bewang ko pati na rin ang pagdantay sa hita ko. Nanigas tuloy ako sa pagkabigla. Lilingunin ko sana si Arthur nang marinig ko ang hagikhik ni Venice.

"Hihihi!"

"Venice, 'wag mong gisinging ang Mommy mo," narinig kong suway ni Arthur kay Venice.

Ngumuso tuloy ako. Akala ko kasi, after two months kong pag-i-stay dito ay dumating na yung time kung kailan gigising ako na yakap na ako ni Arthur. Hindi pa pala. Sh1t, umagang-umaga pero nagdadaydream na ako!

"Sorry, Mom. Did I wake you up?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili na hindi harapin ang malambing na boses ng bata. I turned around to face her sweet little face. Napapagitnaan pala namin siya ni Arthur. "Good morning, baby!" malambing na bati ko at niyakap siya. Nakita ko rin ang matamis na ngiti sa akin ni Arthur kaya nginitian ko rin siya. "Good morning, Arthur."

"Good morning too, babe."

Kinagat ko ag labi ko. Nagpipigil ako ng ngiti. Lintek na 'yan! Anong oras na ba't ang aga-aga kong kiligin. Umayos ako ng higa at hinaplos nalang ang buhok ni Venice. Umupo naman si Arthur at isinandal ang kanyang ulo sa headboard ng kama. I could clearly see his defined biceps with my eyes. Paborito niya talagang isuot ang itim na sando na yan sa tuwing pagtulog niya.

Hinaplos din ni Arthur ang buhok ng bata gaya ng ginagawa ko na halos magkabanggaan na ang mga kamay namin. "Venice, would you please go to Manag Betchay and tell her to prepare our breakfast? Mag-uusap lang kami ng Mom mo," sabi ni Arthur na mabilis na nagpabangon sa bata.

"Yes, Dad!" sabi nito at nagmamadaling umalis sa kama't lumabas ng kwarto.

Naiwan tuloy kaming dalawa ni Arthur sa kama. Tinignan ko siya. Nakatingin lang din siya sa pintong nilabasan ni Venice. Ginaya ko ang pwesto niyang nakasandal sa headboard. "Anong pag-uusapan natin?"

Tumikhim siya. "Venice will turn 6 next Saturday." Napanganga ako saglit. Ngayon ko lang kasi nalaman yun. "And I want you to prepare everything for her birthday party."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Seriously? Sa Sabado na ang birthday party niya at ngayon mo lang pinapaasikaso sa akin. Ano na ba ngayon?" tumingin ako sa digital clock sa gilid ko. "Sabado na ngayon. Just exactly a week from now!"

"Kaya nga gawan mo ng paraan. I'm giving you a week to prepare. Ano pa't graduate ka ng Management kung hindi mo kayang i-manage 'yan?" ngumisi siya.

Napakamot nalang ako sa ulo sa iniutos niya. He was looking at me as though he's giving me a big challenge. Madali naman iyong pinapagawa niya pero kulang ako sa oras. Kung sana ay two weeks ago pa niya ako ininform, edi sana, hindi ako magkacram. Oh crap!

"This is going to be trouble," bulong ko sa sarili pagkatapos ay yumuko.

"What?"

Ngumiwi ako sa kanya. "Wala!"

"Good then," tinulak niya ako paalis sa kama. Muntik na akong mahulog. "Magtoothbrush ka na," natatawang sabi niya. Leche 'tong lalaking 'to!

"Kinakausap mo kasi agad ako early in the morning. Hindi mo man lang ako hinayaan munang magtoothbrush," reklamo ko at dumiretso na papunta sa walk-in closet. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa banyo nang may maalala ako. Sabado ngayon diba? Oh my!

Binuksan ko ang pinto ng walk-in closet at bahagyang nilabas ang ulo ko para silipin si Arthur. "Arthur!"

Nilingon niya ako. "Oh?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now