65. Pain

167K 4.5K 1.1K
                                    


Chapter 65

I knew I was going to lose them. I just didn't realize that it was going to happen this way. Umpisa palang alam ko na sa sarili kong ang lahat ng ito ay pansamantala lang. I should have been more careful who I pretended to be because I honestly forgot who I really am.

Oo nga pala, masyado akong nagpadala sa agos. Sad how I believe in our own lies and stories we just made up in our heads. It doesn't change the fact that I am still a pretender— a woman pretending to be a part of their family.

Garrett parked his car to the side and then turned to me. I felt so tired and lifeless after what happened at the mall. Nakakapanlumo. . . nakakadurog ng puso.

"Scarlett, are you sure you'll be fine?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinignan ko siya ng walang nababakas na emosyon sa aking mukha. "Garrett, gusto ko nang bumalik sa Astrid."

For a moment, he looked surprised and then he frowned. "Scarlett, don't make impulsive decisions when you're emotional. You know what—" he unbuckled his seatbelts as well as mine—" "you should get some sleep and relax. Okay? It's been a tough day for you."

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Garrett. I give up. Ayoko na." Ni hindi niya nga alam ang tungkol sa pagpapanggap ko na maging ina ni Venice!

"Listen, Scarlett." His voice sounded restrained, but I didn't respond. "Pag isipan mo munang mabuti ang desisyon mo. Mag usap muna kayo ni Arthur. Baka pwede niyo pang ayusin kung anumang problema ninyong dalawa."

Mariin akong umiling sa kanya at saka yumuko. Wala na. . . Kung mag pag-asa pa, hindi 'yon ang pinaramdam sa akin ni Arthur.

"Pag-isipan mo munang mabuti or at least, have a closure with Arthur. Kapag nakumpirma mong wala na talaga, ako pa ang maghahatid sayo sa Astrid."

Hindi ko na nagawang prumotesta sa kanya lalo na't lumabas na siya sa kotse para pagbuksan ako ng pinto sa gilid ko. As soon as I stepped out of the car, I felt his warm hand touched my head. Napapitlag tuloy ako.

"I'm so glad you agreed to be with me today." Ngumiti siya at nagpamulsa. Nagtaka ako nang iabot niya sa akin ang phone ko. "Nalaglag mo kanina sa mall. Nai-save ko na rin ang number ko dyan. Text me if you happen to need a friend."

Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa ring ngumiti sa kanya. I hate to admit it but I realize that I missed Garrett.

"Kahit bilang kaibigan nalang. Alam kong may bago kang bestfriend pero mas advantage ko naman na kilala na kita simula pa noon."

He held out his hand to me. Nung una ay nagtaka ako pero ay nakuha ko ang gusto niyang gawin kaya inabot ko iyon at nakipagkamay.

"Friends. . ." I said and was surprised when he pulled me into his embrace. "Garrett—"

"I still want all the best for my favorite girl in the world," he whispered and felt him plant a soft kiss on my head.

Napasinghap ako. Nanikip ang dibdib ko lalo na nang bumitaw na siya sa akin at ngumiti.

"Friends, sure. . ." he muttered and waved a hand on me. "Aalis ako kapag nakapasok ka na. Goodnight, Scarlett."

"Salamat," mahinang tugon ko at pumasok na sa loob ng condo. Dumiretso ako sa unit at sumalampak sa kama. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari sa araw na ito.

I lost all the courage I have inside me when I saw Venice with her real mom. They looked so perfect together. Kontrabida nalang siguro ang makakapagsira sa kanilang dalawa. Siguro nga, tapos na ang papel ko sa buhay ng mag-ama. I did my part and I'm still glad to be part of their lives even just for temporary.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon