31. Stranger

149K 4.7K 431
                                    

Yhel's note: Forgive all the typos. Wala ng time para mag-proof read. Slow update nga pala sa lahat ng on-going stories ko. Oo, may mas babagal pa dyan dahil sa pagiging busy ko ngayong September. And oh, nakakaloka. Wala akong ibang mabasang comments. Puro "Update na po". :3


31. Stranger

This is my 2nd day in Singapore pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa. Takot kasi akong lumabas simula nang dumating ako dito e. Feeling ko, maku-culture shock ako. Pero dahil gusto kong maging productive ngayon, napagpasyahan ko nang lumabas na ng hotel suite ko.

Literal na labas lang, actually. Dumiretso ako sa restaurant ng hotel para dun kumain ng breakfast. Buti nalang mabilis ang wifi sa hotel na ito kaya dire-diretso ang pag-iinternet ko.

I've been searching about the must visit itineraries around Singapore. Honestly, kinakabahan ako sa pamamasyal ko nang mag-isa lalo na't wala ako sa Pilipinas. Shucks, kakayanin ko naman ito diba?

Search lang ako ng search nun sa phone ko nang bigla itong mag-ring. Sa pagkagulat ko ay napasambit tuloy ako ng; "Fvck" sa sarili ko. Napalakas pa nga yata kasi tumingin sa akin yung lalaking nakapwesto next to my table. I just bowed apologetically before I glanced at my phone.

Napaismid nalang ako nang makita sa screen ang pangalan ng tumatawag. Si Arthur.

"Hmm?" nakapoker face akong humigop sa kape ko habang hinihintay na magsalita ang boses sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako kay Arthur. Grabe siya. Hindi man lang ako patawarin, hindi pa nakuntento at pinalayas pa ako ng bansa. Tsk.

"Venice wants to talk to you," sabi nito at napaikot nalang ang mga mata ko. Kulang nalang ay sabihin kong; 'edi ibigay mo ang phone'. Grr! I really don't wanna hear his voice.

Napaayos ang upo ko nang marinig na finally ang boses ni Venice sa kabilang linya. "Hello, Mommy!" From poker face to bright face ang peg ko.

"Hi, baby. I miss you!" I really do. Isang araw pa lang ang nakalipas pero namimiss ko na ang batang 'to. I miss her being so matanong, her wittiness, everything about her. Kung pwede nga lang siya tawagan every hour ay gagawin ko pero dahil naiinis nga ako kay Arthur ay tiniis ko nalang na 'wag yun gawin. Hmp!

I heard her cute giggle on the other line. "Daddy, Mom said she misses me! . . What? Okay." Mukhang kausap niya si Arthur. "I miss you too, Mom."

Ano kayang sinabi ni Arthur? Leche. Hindi ko kasi marinig e. Baka pabulong lang siya magsalita.

"How are you doing there?" I asked.

"I'm good. . . Dad said he's fine too."

I wanted to say 'I am not asking about your jerk of the dad' baby' pero syempre bad yun kaya pinagkibit-balikat ko nalang.

"How about you, Mom? How are you doing there?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kung alam mo lang Venice, kung gaano ako natetense ngayon sa ideyang mamamasyal ako nang mag-isa sa Singapore. ". . . I'm good, baby. Gusto mo ba ng pasalubong?"

"I told you, Mom, I don't want anything. Just please be home very soon, that'll be the best pasalubong for me," sabi niya at napangiti nalang tuloy ako. Ganito pala ang feeling ng may sweet na anak. Nakakawala ng stress.

"That's so sweet of you, Venice."

She giggled again as though amused of my reply. "Anyways, I'd just want to ask something from you, Mom. Dad told me to call you when I asked him about this."

Let's Talk About Us [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara