54. Hindi Kami

130K 3.8K 810
                                    

54. Hindi Kami

"Sorry na..."

"Ano pa bang magagawa ko?"

"Eto naman. Napipilitan ka lang yata e, boss babe e."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. I'm just trying to loosen up. Nasermonan na nga niya ako sa hindi pag charge ng phone ko for about 23 hours daw. E sa hindi ko nga nadala 'yong charger ko e.

"Alison..."

"Hmm?" Nakahiga ako sa kama habang nasa tenga ko ang cellphone na pinahiram sa akin ni Garrett. This is just so weird. Siya pa talaga ang tinawagan ni Arthur para lang macontact ako. Hindi ko naman siya masisisi. Wala naman siyang alam tungkol sa amin ni Garrett noon. Like does it even matter?

"I told you not to leave unless I said so. Bakit umalis ka?" his voice was very serious. I bet his face too. Hayy... Namimiss ko na talaga siya.

"It's work, Arthur. At isa pa, okay na rin ito para makabisita ako saglit dito."

"Where are you staying at?"

Instinctively, I gazed around my room. "My house..." but it doesn't feel like home. I'm damn homesick.

"It seems that you're with my cousin all the time." Napanguso ako sa sinabi niya. Ayoko mang bigyan ng ibig sabihin pero may pagkasuspiscious ang tono ng pananalita niya... or was it just me? "I was surprised you picked up my call for him."

His words as well as his voice bothered me immeasurably. "Bakit? Siya ba talaga dapat ang kakausapin mo?"

"No. I was really gonna ask him if he could let me speak to you because you were out of reach."

"Nagkataon lang na nagkita kami in this early hour tapos sabi niya sa akin tumatawag ka raw to check on me, and then you suddenly called. Binigay niya sa akin ang phone kaya ako na ang sumagot."

"Nagtaka lang ako na ikaw agad ang sumagot sa phone niya instead of him in this... what time is it there now?"

I glanced at the wall clock infront of me and said, "9:20 a.m." I suddenly felt guilty not to tell him na dito natulog sa bahay ang pinsan niya.

"Oh. I see. Kumain ka na ba?"

Wala naman siyang sinabing espesyal pero napangiti nalang ako. "Hindi pa..."

"O, bakit hindi pa?"

Bumangon ako at nag inat ng mga braso. To be honest, kumakalam na rin ang tyan ko sa gutom. Hindi ako nagdinner kagabi e.

"Actually, magbebreakfast na ako. Hmm, talk to you later nalang—"

"Wait. Wait. Don't hang up on me yet."

Nagtataka man ako ay hindi ko binaba ang cellphone ko. Bumangon lang ako sa kama at hinintay na magsalita siya ulit. Bigla kasi siyang hindi na umimik, pero ay may naririnig lang akong kaluskos sa kabilang linya.

"Arthur, are you still there?"

"Yeah... Alison, can you login to skype now?"

Automatikong hinanap ng mga mata ko ang laptop na madalas kong gamitin noon habang nakakunot ang noo. "As in, now na?"

"Yeah, make it fast."

"Wait lang."

Tumakbo ako patungo sa cabinet ko at hinanap du'n ang laptop ko pero imbes na iyon ang nakita ko ay iPad ko ang bumungad sa akin. I grabbed it and got to my feet, placing back the phone on my ear. "Maglalogin na ako..."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon