23. Day-off

163K 5K 305
                                    

23. Day-off

Of course, nawindang ako sa note na drama ni Arthur. Gaya nga ng naiisip ko, malamang it's only a part of our skit infront of Venice. Kaya ayun, kunwari umarte nalang akong kinikilig kanina sa harapan ng bata.

Though honestly. . . kinilig naman talaga ako.

Napukpok ko tuloy ng brush ang ulo ko dahil sa frustration. "Ano bang pinag-iisip mo, Alison? Stop it, will you?!"

"Mom, are you saying something?"

Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko nang marinig ang boses ni Venice. Shucks. Umandar na naman ang pagkabaliw ko--- talking to myself. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatingin sa akin nang nagtataka. "Wala, baby."

"You're hitting your head with the brush," sabi niya at alanganin kong tinignan ang hawak kong brush. Nakakahiya naman sa bata. Baka sabihin nalang niya, may saltik sa utak ang mommy niya.

"Don't mind me."

For the final touch, naglagay na ako ng red matte tint sa lips ko. It's Saturday today at ngayon ang usapan namin ni Emma na magkikita kami. Speaking of, my phone beeped twice. Pagka-check ko from the bed, si Emma na ang nagtext.

From: Emma

San ka na?

I typed in my reply right away. Sabi ko, papunta na ako roon. Actually, talagang naeexcite na akong makachikahan ang bruhang 'yon. Ang dami kong kwento sa kanya. Aaminin ko na rin sa kanya ang tungkol kay Arthur. . . para naman may mapaglabasan ako ng frustration paminsan-minsan.

Soon as I hit the send button, I felt someone touched my shoulders. Who else would that be? Syempre, ang baby ko. I looked to her over my shoulders and saw her pouty face look.

"Mom, can I go with you? I promise not to be makulit."

With that expression on, naku, ang hirap tumanggi. Ang cute e! As much as I wanted to bring her with me, I just couldn't. Hello! Alone time namin yun ni Emma. Paano ko maaamin sa kanya ang tungkol sa mga Evangelista kung nandyan si Venice who happens to be a smart kid?

Evangelista. . . Yeah, for sure mawiwindang din siya dahil na-involve na naman ako sa isang Evangelista.

Humarap ako sa kanya at sinapo ang buong mukha niya. "Baby, siguro next time nalang? Makikipagkita kasi ako sa friend ko."

Mas lalo tuloy siyang nag-pout at mayamaya lang ay nagbuntong-hininga. . . in surrender. "Alright, but make sure to buy something for me when you get home, mom, okay?"

I planted a kiss on her forehead. Nagkaroon tuoy siya ng kiss mark sa noo. Hindi ko matiis ang ka-kyutan ng batang ito. "Okay, baby. Ikaw pa. . . Malakas ka kay Mommy e."

***

"WHAT?!! MOMMY KA NA?!"

Sabi na nga e. Sino ba naman kasing hindi mawiwindang sa trabaho ko diba? And yes, I'm already with Emma right now. Nagpahatid ako sa driver sa apartment niya para i-spend ang day off ko kasama siya. Mahirap nang pumunta sa mga malls. Ayoko nang maulit yung nangyari kahapon; bumping into Sitti. Mabuti na ang nag-iingat.

Habang nagmimiryenda kami, nagkwentuhan na kami about our lives apart from each other. Ayun, ayos na rin naman daw siya. Nakakalungkot daw sa apartment niya simula nang umalis ako. . . Nung kinamusta niya ang trabaho ko, wala nang paligoy-ligoy pa. Sinabi ko na ang totoo na isa akong hired mommy.

"Oo nga," sabay subo ng popcorn. Sa katunayan, natigilan siya sa pagsalpak ng DVD. Manunuod nga kasi dapat kami. It's time to relax.

Humarap siya sa akin nang naka-indian seat sa sahig samantalang ako ay nakaupo sa sofa. "Seryoso ka ba dyan o joke lang yan?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now