49. Lies

148K 4.3K 378
                                    

#LTAUArthur

Chapter 49

"Of course, you can talk!"

Napasimangot lang ako sa suhestyon ni Emma sa akin matapos kong ipakita sa kanya ang sms ni Garrett.

"Easier said than done, Emma. Wala ka kasi sa posisyon ko."

"Of course, you can talk. Nagsasalita ka naman ah?"

"Tss." Umiling lang ako at inikutan siya ng mga mata. Problemado na nga ako, may gana pa siyang magbiro dyan. Dahek.

She puckered her lips into a pout, looking a bit offended. "Ito naman. Hindi mabiro. Sorry na... Masyado kang stressed out e," she said trying to calm the hell out of me.

It's been a week since Garrett texted me at isang linggo na rin akong hindi lumalabas sa penthouse ni Arthur. Napaparanoid kasi ako na baka bigla nalang sumulpot isang araw si Garrett sa harapan ko. Hindi pa ako handang harapin siya dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. My mind was messed up big time. Kung hindi pa nga ako niyayang lumabas ni Emma para makapag-usap kami ay hindi pa ako lalabas. Siguro ay nag-aalala siya sa akin dahil matapos kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Garrett noong Lunes ay hindi na ako nagparamdam, and it's because I chose to be out of reach.

I sighed over my unhappy fate as I pulled my phone and a new sim card I bought earlier.

"O, anong ginagawa mo?"

Kinakalas ko kasi ang phone ko para palitan ang sim card nito. "I need to change my sim. Ngayong alam na ni Garrett ang number ko, hindi niya na ako titigilan. I know him very well. He does anything he wants."

Nakangiwi lang si Emma habang pinapanuod ako hanggang sa mapalitan ko na ang sim card ko. I then threw my old sim card at the nearest bin before I turned on my phone with a new one.

"Hanggang kailan mo ba iiwasan ang ex mo?"

From the phone, my eyes turned to Emma. This time, she sounded so serious. "Hindi ko alam, Emma. Basta all I know is that I am not yet ready to face that jerk." I'm sure there was conviction in my words.

Tumaas ang kilay sa akin ni Emma. "So, ano 'to? Forever hide and seek ang peg niyo at siya ang taya? Gaga 'to."

My frown deepened into a scowl. "Hindi mo ako naiintindihan, Emma. I thought you're my friend?"

"I am," her voice has an annoyed edge. "Ang tunay na kaibigan, hindi tinotolerate ang katangahan ng kaibigan niya. In your case, mukhang nahulog ka na sa balon ng kagagahan e. Kaya heto ako't sinusubukang sagipin ka, kaso ikaw naman itong mukhang nag-eenjoy pa sa pagsuswimming sa balon ng kashungahan..." she said, stressing the last word in a sarcastic tone.

Napalabi nalang ako bago humigop sa kape ko. "Harsh..." I mumbled.

"Ganun talaga, friend. Minsan, hindi kailangan puro bait-baitang payo. Dapat ni-rerealtalk din, ganern!" She leaned forward and picked up her cup. "Look, Alison. Hindi mo ba naisip na baka ito na yung time para magkaharap kayo ni Garrett?"

I pursed my lips and tsked, "Hindi pa nga ako ready." Okay, point taken. Ang kaso hindi pa nga ako handa. Kung kailan nagsisimula palang kami ni Arthur, saka pa siya agad susulpot. Sh1t.

"Mahal mo pa ba siya?"

My eyes narrowed at her. "No!"

"Sure?"

I rolled my eyes at her. "Sure ako, bruha."

"Then, it doesn't matter whether you're ready or not. Ang kailangan niyo lang naman ay closure. Para kang sira e. Tago ka ng tago, e ikaw nga yung iniwanan. Diba siya yung may kasalanan sayo? Ba't parang nabaligtad yata?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now