60. We're Over

149K 4.1K 787
                                    

Chapter 60

Sabik na sabik na ako sa reply ng parents ko. Iniisip ko nga, kung sakaling galit sila sa akin dahil sa ginawa kong paglalayas ay tatanggapin ko nalang. Makikinig ako sa bawat sermon na sasabihin nila sa akin, basta ay bumalik lang sila dito sa Pilipinas. Dahil sa akin, nagkagulo ang sitwasyon. Inatake si Papa sa puso, nanakawan pa ang mga negosyo namin.

Nanatili akong nakaupo sa vanity table habang nakatitig sa aking phone. I've been like this as days went by. Lagi kong chinecheck ang e-mail ko maging ang aking phone. Tinanong ko na rin kasi kay Yaya Caridad kung anong contact number nila roon sa States para makausap ko na sila. But still. . . it's been two days since the day I sent them an e-mail and I haven't heard anything from them. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala.

Nope. Huwag kang ma down, Alison. Baka nagpalit lang sila ng contact number at naging busy lang sa States dahilan para hindi ma check ang e-mail. Besides, dalawang araw palang naman ang nakakalipas. Patience has been my strong suit. Magpaparamdam din sila.

I was roused from my reverie by the sudden sound of my phone ringing. Napaigtad tuloy ako sa bigla't kinuha ang phone sa ibabaw ng vanity table. Shet! Unknown number. This must be my parents'.

"Hello?" I answered the phone with my voice laced with hopefulness.

There was silence for a moment before the voice spoke. "Hi. Is this Scarlett?"

Natigilan ako saglit. Boses babae ang nagsalita. Pamilyar ang boses pero sigurado akong hindi si Mama ito.

"Yes," lumunok ako. "Who's this, please?"

"This is Olivia. I hope you still remember me, Scarlett."

Damn. Halos mabitawan ko ang phone na mapagtanto kung sino ang kausap ko. This is Garret's mom for goodness sake!

"T-Tita..."

"I want to talk to you in person. Are you free today?"

She wants to talk to me? My heart raced as I frantically glanced at the wall clock infront of me. Past 3pm palang naman. Nasa office si Arthur at tulog na rin si Venice. Maybe I can sneak out even just for an hour or two.

"Sure po," I replied.

"Okay. I'm expecting you today at the Jimenez Hospital, Scarlett," seryosong aniya. "Salamat," sabay baba niya sa tawag.

Saglit akong natulala sa hawak kong phone. Sa lahat ng nakilala ko, si Tita Olivia ang taong mahirap tanggihan. She is too kind that it's hard to ignore her.

***

Nag taxi nalang ako papunta sa ospital. Mabuti nalang at medyo malapit lang ito sa tinitirahan naming condo kaya sigurado akong makakauwi rin ako kaagad. To be honest, hindi ako mapalagay. Hindi ko kasi alam kung anong pag uusapan namin ni Tita Olivia. Okay, I admit, may ideya naman ako at paniguradong tungkol ito kay Garrett pero para saan pa ang pag uusapan namin? Galit ba siya sa 'kin dahil sa nangyari kay Garrett?

Fvck. Syempre, oo. Garrett had never been physically hurt ever since. Hindi siya mahilig makipag basag-ulo. Kinakabahan na tuloy ako lalo.

Mabilis ang paglalakad ko palapit sa information desk ng ospital. Dinaluhan naman agad ako ng isa sa mga nurse.

"Pwede ko bang malaman ang room ni Garrett Evangelista?"

Hindi pa man tumutungo ang nurse para hanapin ang pangalan sa kanyang computer ay may nagsalita na sa aking likuran.

"Scarlett. . ."

Mabilis akong lumingon at pinilit na umaktong normal lang kahit na sobrang kinakabahan akong makita siya. "Tita Olivia."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon