14. Rest-assured

148K 4.6K 554
                                    

14. Rest-assured


SCARLETT


Pok.


"Aish, what the hell?!" Sigaw ko nang maramdaman kong may kung anong sumapul sa ulo ko.

"Babe."

Pumaling ako sa kaliwa at nagtakip ng kumot hanggang sa ulo ko. Babe babe siya dyan. Mukha niya! Pinahiya niya ako kagabi sa lecheng 'baby' na 'yon tapos ngayon bumi-'babe' siya dyan.

"Alison, wake up."

"Ano ba!"

"Nandito ang anak ko."

Nagmulat agad ako ng mga mata. Tama ba yung narinig ko o naalimpungatan lang ako? Ibinaba ko yung kumot ko at saka tumingin sa direksyon ni Arthur, at tama nga siya. There's Venice, standing by the door, looking at me sharply. Para niya akong pinapatay sa tingin. Where's the sweet little girl gone?

"Why did you let my dad sleep on the couch?!" pagalit na tanong niya. Tinignan ko si Arthur, nakaupo na siya dun sa couch at pakamot-kamot nalang sa batok niya. Oh my ghad, anong isasagot ko? Kapag ganito kagigising ko pa lang naman, hindi gumagana ang utak ko.

"Uh, V-Venice..."

Lumapit si Venice kay Arthur at tinabihan niya dun sa couch, still not disconnecting his eyes from me. "Dad, what's going on? Does your back hurt?" then she looked to me, "It's your fault, Miss!"

"Don't call her 'miss', Venice. She's your mom." Palakpakan po natin si Arthur for finally speaking out. Kung 'di ko pa siya pinandilatan ng mga mata, baka hindi talaga siya nagsalita dyan.

"She's not my mom. Why did you let my dad sleep here?"

"Venice," tawag ko sa kanya. Huminga muna ako ng malalim para may dramatic pause. "Ano kasi e..."

"We just had a little misunderstanding, baby." Arthur finished my dumb answer. Tumayo siya pagkatapos at saka ako tinabihan sa kama. I was taken aback when he kissed me on the forehead like what the fvck? "But we're gonna be okay. Right, babe?"

Tinignan ko ang lalaking katabi ko na ngayon ay nakaakbay na sa akin. Buset siya. Pumi-physical contact agad. Kinikilabutan tuloy ako. "Yes, Venice. Ginalit niya kasi ako kagabi kaya hindi ko siya pinatabi sa akin."

"So, bati na tayo, Alison?"

Ngumiti ako sa kanya, pero sa loob-loob ko, nagngingitngit ako ng sobra. "Hindi ka nagsorry, babe eh. Diba dapat magsorry ka?"

"Okay, I'm sorry. I won't make you mad anymore."

Muntik na akong ma-choke sa sagot niya. Gusto kong matawa pero dahil nakikita ko yung matalim na titig ng bata sa harapan namin, naki-get along nalang ako. "Alam mo namang hindi kita matitiis, Arthur." Yuck.

Ngumiti lang sa akin pabalik si Arthur at saka bumaling sa anak niya. "We're now okay. Told you, Venice. It's just a little misunderstanding."

Hindi siya kumibo. Naka-pout lang siya habang nakasimangot. Medyo may pagka-brat pala ang sweet little girl na ito.

"Let's eat together, Dad."

"Sure, baby. Wait for us in the dining table. We're gonna fix ourselves first."

Pagkalabas ni Venice ng kwarto, dun na ako nakahinga ng maluwag. As in napa... "hoo!" ako. Inalis ko kaagad yung braso ni Arthur sa balikat ko at saka ko siya sinapak sa braso. "Ikaaaaaw! Binigla mo ako!"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now