3. Job Interview

185K 5.6K 833
                                    

3. JOB INTERVIEW


SCARLETT


"So, yung AE Mart Inc., ay company ng grocery chains sa bansa? Parang Puregold, gano'n?" Nagbobrowse kasi ako ngayon for a little backround check about sa AE Mart. Aba'y, hindi naman ako susugod dun nang walang kaide-ideya kung anong papasukan ko diba? Malay ko ba kung kumpanya ng p0rn0graphy yan, at gawin akong p0rn star? Mas maayos na yung may alam.

"Oo. Sikat na rin yan. Two years ago lang sila nagsimula pero maingay na agad ang pangalan sa business world," paliwanag ni Emma habang kinukulot ang dulo ng buhok ko gamit ang flat iron. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Nude pa yung mukha kasi wala pang make up pero ganun pa man, mukha pa rin akong presentableng tignan.

"Anong oras ba dapat ang punta dun, Emma?"

"9AM pa lang dapat nandun ka na. Kapag lunchtime na nila, huwag ka pa rin umalis dun. Baka maunahan ka e. Magbaon ka nalang ng pandesal. Palamanan mo ng keso."

"Stop being a tightwad, Emma."

Inikutan niya lang ako ng mata bago niya tinapos ang pagkukulot ng buhok ko. She then grabbed her make up kit and then tilted my head upwards to start it out. "Nosebleed naman ako. Anong tightwad?"

"Kuripot!" I snorted and I could hear her soft chuckle kaya naramdaman ko rin yung panginginig ng kamay niya sa kakatawa. "Emma, umayos ka nga. Kapag ako talaga nagmukhang clown ah? Naku, I don't wanna be forever bum. Nakakahiya naman sa'yo."

Nagsimula na siya sa pagme-make up sa akin. Nakapikit lang ang mga mata ko habang pinapakiramdaman yung brush na dumadampi sa mukha ko. Nakakakiliti.

"Sus, huwag mo ngang isipin na pasakit ka sa akin. Masaya nga ako kasi may kasama na ako sa apartment ko. Hindi na boring."

"Sweet," natatawang sabi ko at saka ko iminulat ang mga mata ko para makita siya. Nakangiti lang siya while doing her thing on my face. "Kaso nakakahiya pa rin. "

"Bumawi ka nalang sa akin kapag natanggap ka na. Sa unang sweldo mo, ilibre mo ako ng eat all you can," sabi niya kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray!"

"Wish ko lang na maganda ang trabaho ko, Emma. Mamaya sa maintenance ang bagsak ko, lagot ka sa akin," I threatened jokingly as she laughed out loud.



EMMA made sure that I look professional before we stepped out of her house. Kaya naman ito ako ngayon, looking so sophisticated in my corporate attire. Naka-red fitted dress ako na sobrang pagka-fit ay kitang-kita na yung hubog ng katawan ko. Kung hindi lang dahil sa blaser ko, malamang visible na visible na ang curves ko. Idagdag pa ang suot kong tights and closed toe pumps na talaga namang nagpa-emphasize ng pagiging career woman look ko.

"Shets, Alison. Ang ganda mo talaga," puri niya sa akin habang titig siya sa akin. Nandito na kami ngayon sa harapan ng building ng AE Mart Inc. I started to feel uneasy. Unusual feeling it is.

"Kinakabahan yata ako, Emma." Lumunok ako habang nakatitig sa labas na view ng building. Mataas at matayog ito. Halatang hindi basta-bastang establishment.

"Huwag kang kabahan. Kaya mo yan!"

Pero naramdaman kong mas nanginig pa ang kalamnan ko nang i-motivate niya ako. "Para namang makakapasok ako dyan? Kita mo namang classy yung mga pumapasok. Halatang professionals," sabi ko nung makita yung mga pumapasok na empleyado sa entrance nito.

Bumuntong hininga ako at naupo dun sa stoned seats sa tapat ng garden. Nagdadalawang isip tuloy ako. Abot abot ang kaba ko. Hindi naman ako nakaramdam ng ganito sa mga previous na pinag-applyan ko. Where did my guts go?

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now