59. Sorry

167K 4.6K 486
                                    

Chapter 59

Nagising ako nang wala na si Arthur sa tabi ko. I sat up and tried my best to stay calm. Medyo na disappoint ako dahil ineexpect kong katabi si Arthur hanggang sa paggising ko dahil sa nangyari kagabi.

Wait. No... Walang 'something' na nangyari sa amin kagabi. Napangiti tuloy ako nang maalala ang nangyari. He was and still is a perfect gentleman. Akala ko ay patungo na kami sa next level pero nagkamali lang pala ako dahil sa respetong ipinakita niya sa akin kagabi.

Napatingin tuloy ako sa side ng kama kung saan siya natulog. Kinuha ko ang ginamit niyang unan at niyakap iyon ng mahigpit. Hindi pa nakuntento't sininghot singhot ko pa. I felt so respected and treasured by the way he treats me.

And about the ring I am wearing right now? Hinalikan ko ito bago sumalampak ulit sa kama't paimpit na tumili. Crap those magical wedding proposals! Para sa akin, mas bongga ang sa fiancé ko. Geez, I am really so in love with that man!

Naputol ang pag momoment ko nang may marinig akong tili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naputol ang pag momoment ko nang may marinig akong tili. Hindi naman yung tiling naghihisterya kundi ay tili na may kasamang hagikhik. Napabangon tuloy ako at sinundan ang ingay. Lumabas ako sa terrace para dumungaw sa ibaba. Napangiti ako nang makita ang mag ama na naliligo sa pool sa ibaba. Mukhang nagkakasiyahan ang dalawa.

Sumandal ako sa rails at patuloy na pinapanuod ang bonding nina Venice at Arthur. Ang sarap nilang dalawang panuorin, lalo na si Arthur. Shet! I gulped and paused, my eyes going over Arthur's body. Automatikong nag init ang buong mukha ko sa suot niyang swim trunks. Para akong nanunuod ng live ramp modeling nang umahon siya sa pool at medyo nag stretching. His tapered waist and hips, wide shoulders, chiseled chest, and rippling abs were on display. Oh, man! Ano ba 'to... Ang aga aga, itong tanawin agad ang bumungad sa akin.

He suddenly dove into the pool and swam a lap before emerging. Tila tuwang tuwa naman si Venice na nakasakay sa isang salbabida sa ginawa ng kanyang ama. Nag-apir silang dalawa bago lumapat ang tingin sa akin ni Arthur. Para tuloy akong nahuli sa aktong pamboboso!

"Good morning, Alison!" bati niya at agad namang lumingon si Venice sa akin para kumaway. Ngumiti lang ako. Teka, bakit ako pinagpapawisan? "Tara! Baba ka dito. Let's swim together!"

Mabilis ang pag iling ko. "Kayo nalang siguro. Hindi ako marunong."

"Dad will teach you then, Mom! He's a good swimmer." Hagikhik naman ni Venice.

"No, thanks. Wala rin akong damit na dala," pagdadahilan ko't nagmamadaling pumasok na sa kwarto. Huminga ako ng pagkalalim lalim bago dumiretso sa bathroom para maghilamos. Crap! Hindi ko alam kung bakit sa maikling panahon na magkasama kami ni Arthur ay sobrang attracted ako sa kanya tuwing nakikita ko siyang lumalangoy sa pool. Ang weird nga e. Gabi gabi naman kaming magkatabi sa kama pero walang malisya iyon sa akin... until now. Err.

Mabilis kong tinapos ang morning ritual ko bago nilisan ang bedroom. Tinali ko ang buhok ko sa isang messy bun habang pababa ng hagdanan. Naiinitan pa rin kasi ako. I think I need some cold juice. Ugh!

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon