11. Fashion

161K 5.1K 1.3K
                                    

11. Fashion


3rd Person's POV


Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Sitti sa lalaking kaharap niya. Namumugto na ang dalawang mga mata niya sa kakaiyak at nasasaktan siya dahil wala itong pakielam sa kanya.

"Itigil na natin 'to, Sitti. Marami na tayong naperwisyo..." Mahinang bulong ng lalaki pero bakas sa tono nito ang pagtitimpi. "Nakokonsensya na ako sa mga pinaggagawa natin."

Bumuhos lalo ang mga luha niya. Nanginginig ang mga kamay niya. Tila nanghihina ang mga tuhod niya sa emosyon na nasa dibdib niya. Hindi... Hindi sila pwedeng sumuko. "Ba't ngayon pa? Pagkatapos ng lahat-lahat, susuko ka nalang?!"

Tumalikod ang lalaki sa kanya kaya naman pinaharap niya itong muli sa kanya. "'Wag mo akong tatalikuran!"

"Tan-gina, Sitti! Hindi ko naman ko ginusto. Kung hindi mo lang ako kinulong nung araw na 'yon, matutuloy sana ang kasal namin ni Scarlett!"

"'Wag mong babanggitin ang pangalang 'yan!" sigaw nito at nagtakip pa ng dalawang tenga. Naupo siya sa sofa at dun na binuhos ang pighati niya. "Kung hindi mo ako pinaasa, hindi tayo aabot sa puntong ito!"

Ang totoo ay nagkaroon sila ng relasyon sa likod ni Scarlett. Third year College sila nang mag-umpisa ang pagtataksil ni Sitti sa kaibigan niya. All along, Scarlett doesn't know that her boyfriend has been cheating on her. Paano nga ba niya mahahalata, e magaling silang magtago?

They fell for each other. He even promised her that he'll break up with Scarlett the night of their graduation. Pero hindi iyon nangyari, dahil nung gabi ring 'yon, nagbago ang isip nito. Instead of breaking up, he proposed to her.

Nung una, hindi niya gusto si Scarlett. In fact, panay lang ang udyok sa kanya ng mga magulang nito na kaibiganin ang dalaga. Their families were good friends. They also have a tight bond in terms of business. Eventually, he did not bother to think of those, because he easily fell in love with Scarlett.

And there came Sitti in the picture who happened to be Scarlett's bestfriend. She offered her wholeness to him. Lalaki din naman siya, natutukso rin. Sitti gave all the things to him that Scarlett couldn't give.

That's how their dark secret goes in hand.

"Let's stop this. Sasabihin ko sa kanila ang totoo," seryosong sabi nito kay Sitti.

Sitti got up on her feet, throwing a glare at the man who took his heart off her. "Don't even try, Garrett! Subukan mo lang... at sasabihin ko ang tinatago pa nating sikreto sa kanila. Tignan lang natin kung tatanggapin ka pa ng babaeng 'yon!"



SCARLETT


"Ano, bagay ba?" tanong ko kay Emma habang pinagmamasdan ang sarili sa medium length mirror. Nakunsume tuloy ako dahil hindi ko makita ang kabuuan ko sa salamin. "Palitan mo na nga ang salamin mo! Yung full length!"

"Saka na 'no! Kapag sumuweldo na ako," sabi niya at tumayo sa tabi ko. Nakasuot ako ng pantalon at simpleng printed white shirt. Pinahiram lang sa akin ito ni Emma. Puro kasi dress ang mayroon ako.

"Oo, saan ba ang punta mo? Eh diba maglilipat ka lang naman ng bahay?"

Nilingon ko siya. Kanina pa kasi niya pinagduduldulan sa akin na iiwan ko na siya. Kung alam lang niya na magiging pretend mom ako. Well, I chose not to tell her kasi ayokong makarating kay Sitti.

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now