16. Asaran

148K 4.8K 790
                                    

16. Asaran


SCARLETT


Sh1t! Ang drop-dead gorgeous naman nitong pinsan ni Arthur. Para siyang nanggaling sa langit at bumaba lang sa mundo para maghasik ng kagwapuhan.

"Alison, si Kurt nga pala." Pagpapakilala ni Arthur at eager kong inabot sa kanya ang kaliwang kamay ko. "Kurt, si Alison. You know who."

"Nice to meet you," sabi niya at tinignan lang ang kamay ko sabay tango niya lang sa akin. Ay, suplado? "I gotta go, Arthur."

"'Ge, just give me a beep."

Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa pintong nilabasan ng pinsan niya. Ang gwapo-gwapo, suplado naman. Ganyan ba talaga ang lahi nila? Tss.

"Magpinsan nga kayo 'no?" Humarap na ako ulit sa direksyon ni Arthur. Ayun, inaasikaso naman niya yung Pasta.

"Bakit? Interesado ka sa kanya?" Sasagot pa lang sana ako ng 'of course' kaso nag-react agad siya. "'Wag ka nang umasa, Alison. Loyal yun sa baby love niya."

I gaped at him, controlling myself to giggle. Baby love? What the hell? Ang korny ah. "Seriously? May girlfriend na?" Tumango lang siya kaya napanguso nalang ako. Sayang, gwapo pa naman, kaso mukhang triple ang kasungitan. "Pinsan mo in which side?"

"Dad's side."

I nodded my head interestingly. Sinarado niya yung kaldero ng pasta saka siya humarap sa akin ng may maliit na ngiti. "Tanungin mo lang ako. I'm willing to answer all your queries."

I gave him a slight shrug. Q&A pala ang trip niya. "What's his full name?"

"Who? Me?"

I guffawed at him amusingly. "Hindi ikaw. Him nga diba? I'm pertaining to your cousin."

"Tristan Kurt Lee," he snorted. Okaaaay. Mukhang napikon ko yata. "Sino bang kasa-kasama mo araw-araw? Yung pinsan ko ba?"

I bit my lower lip to shut myself up. Natatawa kasi ako. Ang cute cute niyang asarin. Feeling ko tuloy, mas matanda ako sa kanya. "Edi sorry naman," I replied and something hit my mind. "Wait, last na. Pinsan mo siya sa Dad's side. Kapatid ng Dad mo ang-"

"Dad niya," he broke me off. "Lee talaga ang surname ko. It was only changed to Evangelista when my mom married my step-dad."

"Oh, so divorced ang parents mo?"

He breathed out before he shook his head. "Nah, my dad's dead. My step dad badly wanted to have his own children kaya naging Evangelista kami."

I wanted to ask pa sana kung anong kinamatay ng Dad niya pero I know naman na off limits na 'yon. Hindi naman ako nosy type kaya I'll leave it there nalang.

"Ikaw? Tell me something about yourself," he said as he checked on the sauce.

"Wala naman interesting sa akin," I curtly said. To be honest, ayoko nalang magkwento about sa sarili ko. The more I talk, the more mistakes I make. So, sshhh nalang.

He chuckled as he turned off the stove. tapos na yata yung sauce. "Ako nalang ang magtatanong. Hmmm," he paused to think. "I already asked you before if you have a boyfriend, didn't I?"

Hindi ako umimik. What the fvck, is this hot seat? Weird. Ayoko pa naman sa lalaki ang matanong. Turn off yun.

"How many boyfriends did you have?" he finally asked.

"Two. One in highschool and one in College," walang ganang sagot ko.

Hinarap niya ako. Nagkrus pa ng mga braso sa dibdib at mapanuri akong tinignan. Wow ha. Daddy, is that you? "Innocent or not?"

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon