24. Change of Mind

147K 5.4K 801
                                    

24. Change of Mind

Hindi nagreply si Arthur. So, I supposed pumayag na siyang dito muna ako matutulog sa apartment ni Emma. Yizz! Okay na rin ito para hindi ko muna makita ang pagmumukha ni Arthur. Sa totoo lang, nahihiya pa rin ako sa kanya sa 'di malamang dahilan. Just kidding.

Ang totoo nyan, naiilang ako sa gift niya kuno sa akin na stuffed toy na anak daw namin na sinamahan pa niya ng cheesy message. Mukhang hindi ko siya kayang harapin dahil dun. Should I say thanks or not? Baka sabihin niya namang assuming ako e skit lang pala namin yun. See? 'Di ko alam ang sasabihin ko.

"Ano, pumayag na si Boss babe mo?"

Sinamaan ko ng tingin si Emma. Since he saw Arthur's contact name on my phone, she kept on teasing me about it.

"Tama na nga sa kaka-boss babe mo, Emma."

She giggled like a kid. "Eh kasi ang cute ng endearment niyo. Kinikilig ako."

"Tss."

"Tss tss ka pa dyan pero nakangiti naman. Aminin mo, kinikilig ka rin. Yiee!" At nanundot pa sa tagiliran ko. Natawa nalang tuloy ako. Baliw talaga 'tong si Emma.

Pinilit kong sumimangot pero napapangiti pa rin ako. Parang gaga lang. "Stop it, Emma. Wala lang yun. Boss kasi yung tawag ko sa kanya sa office tapos babe naman sa bahay para maipakita sa anak namin na sweet kami. Pinagsama ko lang kaya naging boss babe. . ."

Napatakip naman siya sa bibig na para bang nagpipigil ng hagikhik. "OMG! Did I just hear 'anak namin'?" sabay hampas sa akin sa braso. Take note, nagsasabon siya ng plato nun habang ako naman ay binabanlawan ang mga pinggan. Ayan tuloy, nagkasabon ako sa braso.

"Emma!"

"Sorry. Magpalit ka nalang sa taas ng damit. Hiram ka nalang. Hihi."

So, after washing the dishes, I went upstairs to change my clothes. Hindi pa kasi ako gaanong master sa paghuhugas ng plato kaya nababasa rin ang damit ko sa tuwing naghuhugas ako.

I changed into blue denim shorts and a black fitted shirt. Pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin. Ang sexy ko sa suot ko. Bagay sa akin. Syempre, kailangan mong i-appreciate ang sarili mo bago ka i-appreciate ng ibang tao. Hindi GGSS ang tawag dun kundi self-appreciative. Wait, is there such term?

"Ang ganda mo talaga, Alison," I said to myself as I turned around infront of the mirror.

Mayamaya lang ay biglang tumunog ang phone ko kasabay ng pagbusina ng sasakyan mula sa labas. Hindi ko tuloy alam kung anong uunahin ko; pero syempre inuna ko yung phone ko.


From: Boss Babe

Labas.


"Anong labas?" pagtataka ko. Matagal lang akong nakatitig sa screen hanggang sa matrip-an kong magtype ng reply.


To: Boss babe

Wrong sent?


Hit send button.

Hihiga sana ako sa kama (dahil namiss ko ang kama namin ni Emma) nang bigla na namang tumunog ang phone ko. This time, it's ringing. A phone call from Boss babe it is.

So, I took the phone call with a confused look. "Yes, boss babe?"

"Pa-yes yes boss babe ka pa dyan. Sabi ko lumabas ka. Nandito ako."

Napabangon tuloy ako bigla. Sakto pang bumukas ang pinto at pumasok si Emma sa kwarto. "Waaah! Nandyan si Boss babe mo sa labas! Dali! Dali! Tignan mo." Hinila niya pa ako mula sa kama at tinulak sa terrace at dun ko nakita si Arthur na nakasimangot na nakatayo at nakasandal sa black Ford Expedition niya. . . habang nakalagay ang phone sa tenga niya.

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now