4. Executive

169K 5.2K 625
                                    


4. Executive


SCARLETT


Napaawang saglit ang bibig ng boss ko pero sandali lang yun kasi agad niyang kinompose ang sarili niya. Well, kamusta naman ako? Sh1t. Para akong hinahabol ng sampung ipis sa sobrang lakas ng kaba ko sa dibdib.

Of all people, bakit isang Evangelista pa?

Tumikhim siya saglit at umiwas sa akin ng tingin. "Siya ba ang napili mo?" he asked and his deep voice made me feel more nervous. Can I back out now? Kahit sa gasoline station, karinderia, palengke o kahit saan nalang ako mag-aapply. I just wanna get away from an Evangelista.

"Yes. So, I'll go ahead, Arturo. Hinihintay na ako ni--"

"Ng Mama mo? Ge. Layas na."

Napakamot sa ulo si Sir Toffer tapos lumabi pa. Tinignan niya pa ako't ngumiti. Lumabas tuloy yun maliit na dimple sa gilid ng labi niya. Ang cute!!

"Ikaw na bahala kay Arturo ha? Magaling yan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I shot him the 'what?' look pero bigla nalang may lumipad na crumpled paper at sapul sa ulo niya. "Aray! Arthur naman!"

"Get your arse off here, Mama's boy!"

Gusto kong matawa sa itsura ni Sir Toffer nung sabihan siyang Mama's boy ni boss kaso syempre pinigilan ko lang. Sumimangot kasi siya at mas lalong lumabi.

"Bye, Scarlett. Enjoy your work," paalam pa niya bago umalis.

Napabaling ulit ako kay Boss nang tumikhim siya. Hindi ko alam pero pinagpawisan na naman ako ng malamig nang makitang seryoso siyang nakatingin sa akin. Fvck! Naalala ko bigla yung pagdadrama ko sa kanya noon. I mentally slapped myself for doing that. Malay ko ba na magkikita kami ulit?!

"Take a seat."

Napalunok ako bago ako lumapit sa desk niya. Pumwesto ako sa kanang upuan at hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-init ang buong mukha ko. Maybe sa kahihiyan na ginawa ko noon? Ghad.

"Long time no see."

I tried to look at his face but I can't seem to focus kaya tumingin nalang ako sa noo niya. I admit, I am not nice. Marami na akong nagawang kalokohan noon, pero iba ngayon. I just deceived a professional guy. Naguguilty tuloy ako.

"Hey, do you still remember me?" tanong niya pa kaya natataranta akong tumango. Natawa siya. Mukha na naman akong tanga nito. Sh1t.

"Nabigla lang po ako na makita ka dito. T-thank you ulit, Sir. Thank you sa pagtulong sa akin," I said almost choking out.

"It's nothing. Buti dito ka nag-apply. Small world. Kamusta na?" tanong niya at napakagat labi nalang ako. Mabilis akong bumuo ng sagot sa utak ko bago ako nagsalita.

"Mahirap pala ang buhay dito. Ang hirap humanap ng trabaho."

"Yeah," he replied. He pressed something on the phone and just then, a voice spoke through it.

"Yes, Sir?"

"May I have the new secretary's resume?"

"Sure, Sir."

"Thanks," and then he hung up. Tinignan niya ulit ako bago sumandal sa reclining chair niya. He really looks very professional in his suit. Yung buhok niya ay neatly fixed. Naka-wax pa yata gaya ng hairstyle ni Garrett.

Oh. That effin Garret! Bakit ko na naman ba naalala ang gag0ng 'yon?

"I'm glad you chose my company," seryosong sabi niya kaya binalingan ko ulit siya pero imbes na sa mukha niya ako napatingin, dun sa plate na nakadisplay fumocus yung mga mata ko. Bloody hell!

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon