47. Mata sa Mata

146K 4.2K 470
                                    

Chapter 47

Monday morning na Monday morning ay nakatulala lang ako sa stuffed toy namin ni Venice na nakaupo sa sofa kaharap ko. Naloloka nga ako sa batang 'yon e. Tinuturing niya kasing baby sister ito. Speaking of...

Napangiti nalang tuloy ako sa kawalan nang maalala 'yong suggestion ni Arthur na pwede kong gift for Venice. Baby brother? Ha! As if, ano. Hindi porque't official girlfriend na ako ni Arthur— sh1t, kinikilig ako sa promotion ko kuno; from pretend mother of his daughter to being his girlfriend— ay pwede na naming gawin ang senswal na gawaing iyon. Na-uh!

Good thing, it was just a joke. Hindi pa ako nasanay sa out of this world sense of humor ni Arthur.

Anyways, today is Monday. Back to normal na ang Evangelista family. Ayun, pumasok na si Venice sa school and I'm proud to say na ako ang naghanda ng baon niya. And as for his gorgeous Dad, maaga rin itong umalis for his breakfast meeting. Kaya heto ako't nag-iisa sa penthouse. Wala kasi si Manang Betchay ngayon dahil pinauwi muna siya ni Arthur sa bahay nila noong pagkatapos ng birthday ni Venice nung Sabado... that explains why I'm home alone.

Sumandal ako sa sofa habang nakikipagtitigan sa stuffed toy. "Anak," tumikhim ako. Anak nga raw namin kasi siya according to Venice and Arthur. Ehem. "Ano bang magandang gawin ngayong araw? Nakakabagot naman kasing mag-isa dito sa penthouse e. Suggest ka naman."

Syempre hindi siya sumagot. Aba, tatakbo talaga ako palabas kapag sumagot ang stuffed na ito. Hayyy... Iba talaga ang nagagawa ng boredom. Pati sarili ay kinakausap nalang. Kung bakit kasi hindi nalang ako ibalik ni Arthur sa pagiging secretary niya sa office. At least dun ay may nagagawa ako (kahit wala naman talaga akong ginagawa dun kundi ang taga-timpla ng kape ni Boss Babe).

"Wait..." Napabangon ako sa sofa and for some reason ay napabaling ako sa wall clock. It's quarter to 11am palang. "Aha! Eh kung ipagluto ko kaya ng lunch si Boss babe?" sabi ko sa stuffed toy. Napangiti nalang tuloy ako. Dapat pinapangalanan ni Venice ito e. Hmm, mamaya nga masabi sa anak ko. As for now, let me cook something delicious for my Boss Babe.

***

Sabi raw nila, 'The right way to a man's heart is through his stomach' kaya heto ako ngayon at nagluto ng lunch para kay Arthur. Good thing, naging maganda naman ang kinalabasan ng Pork Adobo ko. Medyo maasim nga lang ng kaunti pero sana naman magustuhan pa rin ni Arthur. Aba, nag-effort kaya ako dito.

Kasalukuyan akong palabas na ng elevator papunta sa floor ni Arthur. Hayy, nakakamiss ang magwork dito. Kung bakit ba naman kasi after akong papuntahin ni Boss babe sa Singapore ay hindi na niya ako pinabalik sa pagiging sekretarya ko.

Dumiretso ako sa office ni Arthur pero pagbukas ko ng pinto ay wala akong naabutang tao sa loob. I glowered around the four corners of the office.

"Baka nasa meeting pa si Boss babe," sabi ko sa sarili at dismayadong tinignan ang dala kong paper bag. Sayang, bumili pa naman ako ng doughnuts para sana sa dessert ni Arthur. Makakabalik kaya siya dito ng afterlunch?

Lumabas nalang ako ng office at dumiretso sa cubicle ni Kris. Namiss ko rin ang babaeng 'yon. Siya ang una kong nakilala dito sa office. Pagkarating ko sa pwesto niya ay naabutan ko siyang nagkakape. Nabigla pa nga siya kaya halos nagkandapaso-paso ang dila niya habang kumakaway sa akin.

"Alison!!"

I ran towards her and gave her a hug. "Kris! I missed you," sabi ko bago bumitaw at ipinatong sa desk niya ang dala kong pagkain.

"Namiss din kita. Tapos na ba yung leave mo?"

Medyo nagtaka ako sa nabanggit niyang leave. Oh, siguro yun ang pinalabas ni Arthur sa mga empleyado kung bakit ako nawala. "Ahh, oo. Hehe..." Inabutan niya ako ng upuan kaya naupo ako sa tabi niya. "Thanks. Si Boss?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now