Chapter 01

106 0 0
                                    

"Ma'am Joy, pinatawag niyo raw po ako?" agad na tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa opisina niya. Pinaupo niya ako sa harap niya habang may tinatapos siya sa kanyang computer.

Masyado kasing busy ang buhay ng isang tao na nagtatrabaho sa isang BPO/Call Center. Lalo na ngayon ay peak season at ang hinahandle naming account ay ang sikat na Zabmarriano Hotel and Travel Tours. Maraming nagpapabook at nagpapareserve ng rooms para sa bakasyon nila this summer.

"Sorry, tinapos ko pa kasi ang schedule mo para next week. Alam mo naman siguro na si Gabby ay manganganak na at ilang buwan din siyang mawawala." Ang sabi niya sa akin. tumango lang ako.

"So, ibig po bang sabihin nun ay ako ang...." Hindi niya na ako hinintay pang matapos sa nais kong sabihin pa.

"Bilang isa sa mga inaasahang trainer ko sa team ko, ikaw nga ang papalit sa kanya sa team niya." Pagkompirma nito sa naudlot kong tanong. Tumango ulit ako sa sinabi niya.

Matapos naming mag-usap ni Ma'am Joy na Training Manager namin ay umalis na ako at bumalik sa lounge namin. Pagdating ko sa lounge lahat ng free trainers ay nakatingin lang sa akin na tila nagtatanong kung bakit ako pinatawag ng Manager namin.

"Makatingin naman kayo para akong niluwa sa bunganga ng buwaya ah!" Ang pabirong sabi ko sa kanila habang patungo sa computer ko.

"Bakit ka nga ba pinatawag?" Ang tanong ni Eivon na naka indian sit sa swivel chair.

"Ako kasi ang papalit sa team ni Gabby habang wala siya." Simpleng sagot ko sa kanila. Oo, sa kanila. Lahat kasi sila nag-aabang sa sagot ko. Minsan lang kasi kung magpatawag ng tao sa opisina niya si Ma'am Joy at kadalasan ay napapagalitan ang pinapatawag niya.

"Akala ko kung ano na!" Ang sabi ni Eivon.

Matapos nilang nalaman ang dahilan kung bakit ako pinatawag ay nagsibalikan na sila sa ginagawa nila.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng suite. Hindi ko kasi ugali ang lumingon para tignan kung sino ang pumapasok.

"Lunch, everyone?" Ang pag-aya ni Flinn.

Agad naman na nagsipagtayuan ang mga kasamahan namin para maglunch break.

"Paw, CR muna ako. Sa lobby na lang kita hintayin ha. Mukhang may sasabihin pa 'tong si Flinn sa'yo eh." Ang pang-aasar ni Eivon na naka smirk. Umalis nga ito at naiwan kaming dalawa ni Flinn sa lounge.

Madalas kaming tuksuhin ng mga kasama namin. Pero kaibigan lang talaga ang turing ko kay Flinn at ayaw ko naman na mag-assume na gusto niya ako kasi wala naman itong sinasabi tungkol sa kung ano man ang tunay na nararamdaman nito.

"So, ikaw na pala ang makakasama ko sa Mid-shift simula next week?" Ang nakangiting wika nito.

Ito kasi ang unang pagkakataon na magkasama kami sa iisang shift na kaming dalawa lang.

"Oo nga eh. Ok din naman siguro 'yun at nang ma experience ko ang Mid-Shift." Ang sagot ko sa kanya. Nakasandal lang siya sa ding-ding ng lounge namin at seryosong nakatingin sa akin.

"Ehem.. Lunch?" Mabuti na lang at nakuha ko ang atensyon niya at bumalik siya sa kanyang sarili.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now