Chapter 30

26 0 0
                                    

Chuck's POV

"Call center agent? Sigurado ka, Tol? Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwala si Kraide sa sinabi ko sa kanya na mag-aapply ako bilang Call center agent sa pinapasukan ni Paul.

"If it is the only way I can get her back, I will." sa mga panahong iyon malakas ang loob ko na makukuha ko siyang muli at umaasa ako na ako pa rin ang nasa puso niya. Pero lahat ng iyon ay nagbago.

*-*-*-*

Kasalukuyan kaming nagbabasa ng manual ng may inanunsyo si Miss Gabby sa amin.

"Guys, I would like you to meet trainer Pauline. She will be your new trainer starting monday. Huwag niyo siyang bibigyan ng sakit ng ulo habang wala ako." Ang pagpapakilala ni Miss Gabby sa bagong trainer namin. Nakangiti siya sa aming lahat at nilibot niya ang kanyang paningin para tignan kaming lahat, nang tumigil ang paningin niya sa akin ay nagulat ito. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko. Ito ang mukhang nais ko makita pero laking gulat ko ng nawala ang ngiti sa labi niya.

"Would you like to say something?" Ang tanong ni Gabby kay Paul. Medyo natagalan din siya sa kanyang kinatatayuan ng hindi nagsasalita.

"Ahm..I'll see you next week, guys. N..ice to meet you." Ngumiti siya at agad na nagpaalam sa amin at kay Miss Gabby.

....Monday

Excited ako na sa wakas ay makikita ko na siya at the same time ay makakasama sa isang room. Inagahan ko talaga noong araw na iyon para masilayan muli ang mukha niya. 'I miss her so much.'

Kasabay ko palagi si Glyden sa pagpasok at paminsan-minsan ay sumasabay siya sa akin pauwi. Hindi ko na man siya pwedeng ayawan kasi kapatid siya ng kababata kong si Miguel.

"Ehem. Yes, you're looking for me?" Nakangiting lumabas si Paul. 'I miss her smile'. Nakatingin lang siya ky Glyden habang parang ako ay hindi niya nakikita. 'Ganoon ba siya ka galit sa akin to ignore me?'

"Ahm.. Hi Miss Paw. Kami po 'yung trainees ni Miss Gabby. Nasabi niya po kasi kung gusto naming magreview ay pumunta lang kami sa lounge para magpabukas ng training room. Kinakabahan na po kasi kami sa certification namin mamaya kaya gusto namin na makapagreview kami." Sabi ni Glyden sa kanya.

"Ah. Ganoon ba? Sige, papabukasan ko na lang sa guard ang room natin. 'Wag lang kayo mag-ingay dun ha." Halata sa mukha niya na pinipilit niyang ngumiti. Hindi niya na hinintay na makasagot pa kami at tumalikod na ito. Alam ko na napakaskit ng ginawa ko sa kanya at para tratuhin niya ako ng ganito, masakit din pala. Pero hindi ako basta-basta susuko.

Certification namin ngayon. Hindi ako sigurado kung iniiwasan ba niya ako o nagkataon lang na hindi ako napunta sa grupo niya.

Halos ilang oras din akong naghintay dito sa pantry bago lumabas si Leo.

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon