Chapter 22

29 0 0
                                    

DAY 5 of 5 (Ang Huling Linggo)

Matapos ang walong oras ng huling shift namin ay inanunsyo ko na pumasa silang lahat sa training. Naghiyawan 'yung iba habang nagyakapan naman 'yung dalawa. Alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko.

"Congratulations guys for making this far. Proud ako and I'm sure na proud din si Miss Gabby niyo sa inyo dahil naka pasa kayong lahat. Magpakabait kayo sa mga TLs (Team Leader) niyo ha. 'Wag niyo silang bigyan ng sakit ng ulo." paalala ko sa kanila.

"Si Miss Paw talaga oh! Kala naman nito hindi na kami magkikita." sabi ni Leo.

"Oo nga Miss Paw. Magpaparty pa nga tayo sa resort nila ni Sir Flinn eh." sabi ng isa ko pang trainee.

"Oo na! Oh siya, pumunta na kayo sa conference room para sa contract signing niyo." sabi ko sa kanila at agad naman silang lumabas ng room.

Natapos ang contract signing nila ng hindi pa ako natatapos sa ginagawa kong report kaya pinauna ko na silang pumunta ng resort nila Flinn. Noong una ayaw pa nga nila akong iwan kasi baka raw hindi ko sila siputin sa team building namin pero sa kalaunan ay pumayag naman ang mga ito kapalit ng bag ko kung saan nakalagay ang mga damit ko. Define, wise!

Samantalang umuwi naman muna si Jappy para kumuha ng gamit nito at babalik na lang daw siya sa opisina para sabay kami.

Pinagpatuloy ko ang paggenerate ng report ng team ko para ma i-send ang email kay Ma'am Joy. Kalahating oras ang ginugol ko para matapos ang report ko. Lalabas na sana ako ng training room ng biglang may bumukas nito. Sinalubong ako ng nakangiti na si Flinn.

"Oh, Flinn. Akala ko umalis ka na?.." nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bumalik ako nung tawagan ako ni Jappy na sabay na lang daw tayong dalawa na pumunta sa resort kasi hinintay siya ng trainees niyo sa boarding house niya kaya sumabay na lang ito. Hindi ka naman niya na contact kasi I believe 'yung cellphone mo ay nasa locker." ang pagpapaliwanag nito.

"So, shall we?" tanong nito ng hindi ako nakakibo.

Tumango ako at nagsimula ng lumakad palabas ng training room.

"Flinn, pwede ba tayong dumaan sa Icing City?" tanong ko sa kanya noon nakapasok na kami sa kotse niya.

"Don't tell me..." may sasabihin pa sana ito kaso pinutol ko siya.

Tumango ako "Na order ko na kasi 'yung brithday cake mo at cake para sa team ko." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi ka na dapat pa nag-abala." sabi nito at pinaandar na ang kotse niya.

*-*-*

"Ma'am ito na po 'yung pinareserve niyong cakes." sabi ng staff ng Icing City.

Kukunin ko na sana 'yung cake kaso...

"Let me carry it." sabi ni Flinn.

"Ang cute nilang dalawa no?"

"Swerte ng babae. Gwapo na gentleman pa." ang bulong-bulongan ng dalawang staff.

"Let's go?" sabi ni Flinn.

"Thank you for coming Sir." pabiro kong sabi kay Flinn habang pinagbukas siya ng pintuan.

"Kapag ikaw ba naman lagi na bubungad sa akin sa tuwing pupunta ako dito, malamang tatambay ako lagi dito." tawang-tawa na sabi nito.

"Bolero! Tara na nga." sabi ko sa kanya at naglakad na kami papuntang parking lot.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now