Chapter 06

47 0 0
                                    

It's been four days na ganito ang set-up namin sa training room. Ang left side na part ay ako ang nag-aassist habang si Jap naman ang sa kabilang side. Syempre magkasama ang babaeng tikoy at lalaking poste sa isang row.

Sa katunayan nga ay magkatabi sila at nagkukwentuhang palagi kapag avail (walang calls). Minsan gusto ko na lang na i-reskill silang dalawa para maging queuing at hindi na sila makapag-usap.

"Miss Paw, baka madurog 'yang MOUSE. Wala pa naman ngayong IT na papalit niyan." Ang biglang pagsulpot ni Jappy sa gilid ko. Napansin ko na lang na parang wala na ngang dugo ang kamao ko sa sobrang hawak sa MOUSE.

"Miss Paw oh! Si Chuck kinikiliti ako oh." Ang sabi ng babaeng tikoy gamit ang napaka arteng boses nito. Uminit lalo ang ulo ko kasi ang ka close lang na friends ni Chuck ang pinapayagan niyang tumawag sa kanya ng ganun. Sarap magmura ng one-time.

"Charles, 'wag kang mastadong maharot diyan at nag-eenjoy si Glyden sa paglalandi mo sa kanya kaya hindi niya pa rin alam ang hotline number natin!" Ang saway ni Jappy sa kanya. At tumawa naman ang mga teammates nila. Nabalitan ko kasi kay Jap na laging tinatanong sa kanya ng babaeng tikoy ang hotline number. Halos araw-araw ito.

**HAYOP kung makalandi, kailangan sa harap ko pa talaga?! ** pagrereklamo ko sa utak ko.

Napatingin kaming dalawa ni Jappy ng bumukas ang pinto ng room namin. Si Flinn nakatayo sa labas ng room na nakangiti. Dinig ko ang bulong-bulongan ng mga trainees kong babae.

Trainee # 1: "Andiyan na ang crush kong trainer."

Trainee # 2: "Sana siya na lang ang trainer natin." (Puwes, lumipat ka! Akala mo kawalan ka sa team ko. ang tahimik kong pagtataray.)

"Paw, lunch?" Ilang araw na akong inaaya ni Flinn na makipaglunch kasama siya.

Hindi ko naman magawang tanggihan siya kasi wala rin naman akong CHOICE at ayaw ko naman siyang i-turn down. Ayaw ko naman na lumabas na assuming kapag sinabi ko sa kanya na 'wag niya akong ligawan.

"Oooooy. May ka lunch date na naman si Miss Paw." Panunukso ni Leo at nakisali naman 'yung iba pang trainees namin.

"Hindi ko alam na mga chismoso at chismosa pala ang team na ito." Pabiro kong sabi.

Trainee # 1: "Ay sayang naman. Si Miss Paw pala ang gusto ni Sir Flinn."

Trainee # 2: "Pero in fairness, bagay silang dalawa, noh?"

"Jap, ikaw na muna ang bahala sa kanila ha. Lunch break lang kami." Pagkasabi ko nun ay nanukso na naman ang buong team. Nahagip siya ng tingin ko. Ang kaninang nakangiting mukha nito ay nakasimangot na.

** Nahagip nga ba o sinadya mong tignan ang reaksyon niya? ** Akusa ng konsensya ko sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa naging reaksyon niyang 'yun o ano.

** Pucheeto chips! Umasa ka pa, Paw! Para makapag move on ka ng mabilis!** Pangangaral ko sa sarili ko.

Pagbalik ko ng training room iilan na lang 'yung nasa station nila kasi lunch break na rin naman nila.

"Miss Paw, hindi mo pa nga pala nabibigay sa amin 'yung cellphone number mo." Kahit kailan talaga pahamak 'tong si Leo. simula nung naging trainer nila ako kung ano-ano na lang 'yung nasasabi niya na ayaw ko. Gaya nung certification process namin.

"Remind me to give it to you later." Nakangiti kong sabi sa kanya. Kakainis lang! Minsan kasi nagkasalubong kami ni Chuck sa lobby at hinihingi ang # ko.

"Kailangan ba 'yun?" Pagdedepensa ko.

"Oo naman for communication purposes." ang sagot nitong nakangiti.

"Oo nga Miss Paw kasi ikaw 'yung trainer namin, diba?" ang sabat naman nung babaeng tikoy.

Dapat talaga nakadikit ito lagi? Gusto ko na talaga siyang sigawan na "Oo na Teh! Kayo na ang exact example ng COMMENSALISM!".

Syempre hindi ko sinabi 'yun sa halip ay ngumiti na lang ako at sinabi sa kanila na mamaya ko ibibigay hanggang sa nakalimutan ko nga.

Madalas 'yun ang sinasabi ko sa kanila, na mamayang dismissal ko ibibigay pero nakakalimutan nilang hingin ulit ito sa'kin.

Kung akala ko makakalusot na naman ako, not this time! Kinulit ako ni Leo kaya binigay ko na ang cellphone number ko sa kanila. As in sa kanilang lahat. When I say 'lahat', kasama na siya roon. At pinagsisisihan ko talaga 'yun. Kung bakit?

Malalaman niyo rin. 

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon