Chapter 09

45 0 0
                                    

"Guys, before you log-in I want to straighten things out with you." Seryoso akong nakatayo sa harap nila habang sila naman ay naghihintay sa sasabihin ko.

"I gave you my number but it doesn't mean you have to include me with your Group Messages. Bago ko binigay sa inyo 'yung cellphone number ko I was very vocal that you can text me if it is all about work related. I'm not mad with you, it's just that hindi ko na alam kung importante pa ba ang natatanggap kong mga mensahe dahil naka mind set na ang utak ko na baka GM na naman ninyo ang natatanggap ko. I'm telling you this because I want to be honest as much as possible. It doesn't mean I don't want to be your friends. Let's be professional as we could be. I am still your trainer and your are my trainees." Kita sa mukha ng babaeng tikoy ang hiya.

** Dapat ka lang naman talaga mahiya! FC ka Teh!! ** 

Pagkatapos ng lunch break namin ay nilapitan ako ng babaeng tikoy. Sobra-sobra ang pagpipigil ko na 'wag abutin ang buhok niyang frizzy at itali ito sa leeg niya hanggang sa hindi na siya makahinga.

** Tindi ng pinagdadaanan natin, Paw ha!! Nagiging criminal minds ang scene. ** pang-aasar ng konsensya ko sa'kin.

"Miss Paw.. Sorry po talaga sa pagsend ko ng GM sa inyo. Na excite lang kasi ako eh. First job ko po kasi 'to kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Masaya lang po talaga ako na nasa iisang team tayo. 'Wag po kayong mag-alala hindi ko na po kayo isasama sa GM ko." ang wika niya habang naka yuko ito.

Isang parte ng sistema ko ang naaawa sa kanya habang ang isa naman ay nagtataray at gusto siyang sabihan ng "Dapat ka lang mahiya sa ginawa mo! Napakalandi mo! Nilalandi mo EX ko. Kuha mo?! Ex ko 'yung nilalandi mo kaya matuto kang lumugar." Pero ayaw paawat ng atribida kong konsensya na sumabat.

** Kaya nga EX kasi nakaraan. Sana matuto ka ring lumugar, Paw. **

Ayun lang! Barado na naman ako sa konsensya ko.

"Ok lang 'yun. Hindi naman ako galit eh. Aaminin ko na nadisappoint lang ako." ang nakangiting sabi ko sa kanya.

** Disappointed ako kasi kaya mong sabihin ang nararamdaman mo kay Chuck habang ako para pipe na walang masabi sa kanya. ** mahinang pag-amin ko sa sarili ko.

"Oh siya, bumalik ka na sa station mo baka ma over lunch ka pa." sabi ko sa kanya at agad naman itong nakinig.

** Lumayo ka sa'kin baka hindi kita matantya at walang matira sa buhok mong frizzy! ** pagpapatuloy ng bitter kong sarili.

-*- Kinagabihan

Sender: TRAINEE_Charles (Sinadya ko talaga na lakihan ang 'trainee' bago ang pangalan niya para i-convince ang sarili ko na trainee ko siya at trainer niya ako. Ginamit ko ang real name niya gaya ng ordinaryong tao na nakapaligid sa kanya. Hindi 'yung dating tawag ko sa kanya.)

Hindi mo na ba talaga ako kakausapin dahil lang sa trainee mo ako? (Wednesday Time: 10:01 pm)

Kapag tumigil ba ako sa training will you finally let me talk to you? Sabihin mo naman sa'kin kung ano ang nararamdaman mo. I can't read your mind anymore. You've changed, a lot. Pero hindi naman kita masisisi for being mad at me. Ako naman talaga ang may kasalanan. (Wednesday Time: 10:03 pm)

I'm sorry, Paul. (Wednesday Time: 10:05 pm)

Lalo ako nalilito sa mga ginagawang pagpaparamdam niya sa akin. Noon gusto ko na magparamdam siya sa akin na sabihin niya lahat ng gusto kong marinig mula sa kanya na nangugulila rin siya sa akin pero bakit ngayon na ito na, wala akong maisip na kahit anong pangungusap. Ni hindi ko kayang i-type ang mga salitang 'huwag ka magquit sa training mo' o 'I miss you too.'

** SH1T! Ang tanga-tanga mo, Paw! ** ang sabi ko sa sarili ko habang nakayakap sa unan na parang nakasalalay dito ang buhay ko.

Ilang oras na ang nakalipas na nakatunganga lang ako sa kisame ng kwarto ko. Natutuwang nirereplay ng puso ko ang mga mensahe niya pero sabi ng utak ko sa akin na huwag akong maniwala sa kanya.

Pati ba naman ang puso at utak ko walang coordination pagdating sa pagdedesisyon? Sabi ng ibang tao pakinggan daw ang sinasabi ng utak kasi matalino ito. Pero sabi naman ng ibang tao na sundin daw ang tinitibok ng puso kasi ramdam nito ang kung ano mang nais na ipahiwatig ng isang tao sa'yo.

I think I really should talk to him.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now