Chapter 08

42 0 0
                                    

Wala na namang magawa ng mentally impaired kong BFF. Andito na naman siya sa condo ko at nakahiga sa tabi ko. Kung ano-ano ang kinukwento sa akin tungkol sa kanila ni Rhynx.

Hindi ko mapigilang mainggit sa kung anong meron silang dalawa. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging happy, sa katunayan gusto ko talaga siyang maging masaya sa piling ni Rhynx. Alam ko na mahal niya ito pero hindi niya pa nsasabi dito ang totoong nararamdaman.

"Halata naman siguro na gusto ko rin siya pero gaya ng pinagdaanan mo takot ako. Lalo na babalik na siya sa Davao sa susunod na buwan." malungkot nitong sabi sa akin. Ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya.

Alam kong pinipigilan nito ang pag-iyak. Kaya iniba nito ang topic. Hinablot niya sa akin ang cellphone ko. Wala akong lakas na makipag-agawan sa kanya. Masyado akong tinatamad. Kita ko na binabasa niya ang inbox ko, pati na rin 'yung mga unread na messages.

"OH EM GEE!" Nagulat ako nung bigla siyang bumangon at sumigaw.

"Ano ka ba?!" sabay palo sa braso niya.

"Look at this, alert." Sabay abot sa akin nung cellphone ko.

Tinatamad akong basahin nung una kaso hindi ako tinigilan ni Eivon hangga't binasa ko na lang bago ako maging pasa na tinubuan ng mukha sa ginagawa niyang pangungurot sa akin.

Literal na nalaglag ang panga ko sa nabasa ko na mga messages. OA man pakinggan pero 'yun talaga ang naging reaksyon ko.

Sender: +639178000143

Can we talk? I know I don't have the right to ask this kind of favor from you. I'll wait for you at the parking lot. I'll be waiting. - Chuck (Friday Time: 9:05 pm)

I'm still here waiting for you. (Friday Time: 10:00 pm)

I know galit ka sa akin. Uwi na ako. Ingat ka sa pag-uwi mo. (Friday Time: 11:30 pm)

I miss you, Paul. I really do. (Saturday Time: 1:00 am)

I really want to talk to you.  (Saturday Time: 2:09 am)

Good night my Paul. I'll dream of you.  (Saturday Time: 3:45 am)

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit. Matutuwa ba ako that he still cares for me? O nag-aassume na naman ako.

Gusto lang niya ng closure, I guess. Gusto rin magalit sa sarili ko kung bakit hindi ko nakita ang text niya.

Oo! kung nakita ko lang sana ang text niya 'di sana nakipagkita ako sa parking lot sa kanya. May karapatan naman siguro akong malaman ang lahat at marinig ang explanation niya, diba?

Gusto ko siyang i-text na "I miss you too.", "I want to talk to you and hear all your explanations." at "Good night." kung hindi ko lang nakita 'yung GM nilang dalawa ng babaeng tikoy.

Nacoconfuse ako lalo sa mga pinapakita niya. Kung magtext siya sa akin parang hindi siya nakikipaglandian sa babaeng tikoy na 'yun ha?! May 'B' pa siyang endearment dun!! PUCHAka!

Tinignan ako ni Eivon gamit ang what-are-you-going-to-do look. Nagkibit balikat lang ako.

Alam ko at alam ni Eivon kung gaano ko ka gusto makipag-usap sa kanya. Pero natatakot ako sa maaaring marinig ko sa kanya. Ngayon pa kung kailan mahihiya ang salitang 'CLOSE' sa sobrang magkadikit na babaeng tikoy at lalaking poste. Baka hindi ko makaya at mabaliw ako to the point na ako na talaga ang sumakay ng taxi para dalhin ang sarili ko sa mental hospital.

As ususal, BAHALA NA! :'(

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon