Chapter 19

30 0 0
                                    

DAY 3 of 5 (Ang Huling Linggo)

"Miss Paw, I'm sorry late ako. Traffic po kasi eh." ang sabi ng babaeng tikoy pagkapasok niya.

"It's fine, next time don't be late again." sabi ko sa kanya.

"Double time na sa pagPull-up ng tools mo, Teh! Late ka na. Maghanap ka na ng station mo, dali!" mataray na sabi ni Jappy.

Halos isang oras kasi ito nahuli sa shift namin. Lahat ng ka teammate niya ang naka log-in na at tumatanggap na ng tawag. Ito ang first time na nahuli siya sa shift kaya papalampasin ko na lang muna ito, ngayon. Wala ng next time.

"B, dito ka umupo sa tabi ko." dinig ko na sabi ni Chuck sa kanya.

Agad na man itong umupo sa tabi ni Chuck. Naghaharutan pa ang dalawang ito. PDA much sa harap ng maraming tao.

Pumunta ako ng CR kasi feeling ko I need a breather. Naghilamos muna ako bago ako pumasok ng cubicle. Nasa loob ako ng cubicle nang may narinig akong pumasok at nag-uusap. Palabas na sana ako ng bigla silang may pinag-usapang dalawa.

"Sa tingin mo ba si Charles na at si Glyden?" tanong ng isang babae na ikinagulat ko.

"Sa palagay ko, oo. Madalas kasi silang magkasama tuwing lunch at sabay din silang umuwi. Isang araw nga sabi ni Glyden hinatid siya ni Charles sa kanila." sagot ng isang babae.

Hinahatid siya ni Chuck sa bahay nila? Kilala si Chuck ng nanay ng babaeng tikoy.

Hindi ko na naman namalayan na tumutulo na ang aking mga luha.

** Paw, maawa ka na man sa sarili mo. Tama na ang kagagahan at kabaliwan mong ito. Sumuko ka na habang nasa katinuan ka pa. ** ang payo ng konsensya ko sa akin.

Sa oras na 'yun din, tinanggap ko na wala na talaga kaming pag-asa ni Chuck. Sa pelikula lang merong second chance at higit sa lahat sa wattpad lang may happy ending. Isang kabaliwan ang maniwala sa second chance at happy ending, at isa ako sa mga baliw na iyon, noon. But I've decided to end this non-sense. I'm shutting off everything I feel for Chuck.

This is GOOD BYE.

This is THE END of our love story.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now