Chapter 13

32 0 0
                                    

Gaano ba ako ka kinamumuhian ng tadhana para ilagay ako sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan ba ako dapat na parusahan sa kung ano mang kasalanan ko?

Lahat yata ng dugo ko sa mukha ay nagbakasyon sumama rin ang lahat ng lakas ko. Hinang-hina ako na pumunta sa humihingi ng tulong sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Pagdating ko sa harap niya ay.....

"Paul?" ang sabi nito sa akin habang nakatitig sa mukha ko.

Bakit ba nasa hanay ko 'tong gagong 'to? Bigla ako nairita nung marining ang tawag niya sa akin. Sa sobrang inis ko sa kanya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"It's Miss Pauline." I smiled to him and assisted him. Ayaw ko na matagalan sa gilid niya knowing na dalawa lang kami ang tao sa room. Tatalikod na sana ako nang biglang....

"Waaaaaaaaaaaaaaaah." napasigaw ako ng napakalakas. Paano ba naman kasi nagchange power siguro kasi kanina brown out. Nataranta ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napaupo na lang ako sa sahig at niyakap ang sarili ko na para akong nilalamig.

"Are you ok, Paul?" tanong niya sa akin. Alam kasi nito na takot ako sa dilim. Minsan nga nakita niya akong nasa hagdan ng bahay namin at umiiyak.

Natapilok kasi ako habang bumababa nung biglang magbrown out sa sobrang ka praningan ko ay tinalon ko ang natitirang baytang nito. Ilang days din akong naka cast dahil sa sprain ko.

Hind ko alam kung ilang segundo, minuto or oras akong ganun. Nabigla ako ng bumalik na ang ilaw.

** HOLY F*CK! ** sigaw ko sa loob ko ng makita ang posisyon namig dalawa. Habang nakaupo ako sa sahig, yakap-yakap niya pala ako roon. Kaya siguro hindi na ako nagpanic kasi ramdam ko ang comfort na dala ng kanyang sakap sa akin. Hanggang ngayon ganoon pa rin ang feeling ko kapag yakap ako ng malakas niyang braso. Hindi ko nagawang pumiglas sa pagkakayakap niya. It feels like home.

"Pa-Pauline?" kitang-kita sa mukha ni Ma'am Joy ang pagkagulat ng makita niya kami sa, dare I say...... awkward na posisyon?

This time pumiglas na ako sa pagkakayakap niya sa akin. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig kasabay ng malamig na tubig. To be honest, hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko ngayon.

Naglakad ako papunta kay Ma'am Joy na nanghihina. Hindi ko mabasa ang reaksyon nito.

"Y-yes Ma'am Joy?" tarantang tanong ko sa kanya. Para akong nanglalambot na parang jelly. Sumandal ako sa table ko para may suporta ako kasi feeling ko matutumba na lang ako bigla.

"Paw, we need to talk." ang mahina nitong sabi at agad naman na tunalikod para umalis.

"Paw, we need to talk."

"Paw, we need to talk."

"Paw, we need to talk."

"Paw, we need to talk."

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Ma'am Joy.

Bumuntong hininga ako.. sa isip ko.........

I'm so doomed!

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon