Chapter 29

28 0 0
                                    

Chuck's POV

Makalipas ang matagal na paghihintay na matapos ang two year contract ko ay umuwi agad ako ng Pilipinas. I need to see her. I need to talk to her. I want her back. God knows, how I want her back in my arms and in my life.

Totoo nga ang sabi nila na marerealize mo lang ang halaga ng isang tao o bagay kapag wala na sa iyo ito. I've waited for two long years para makabalik ng Pilipinas para makita siyang muli. Alam ko na napaka gago ko para iwan pa siya. Pero ngayon ay handa na akong humarap sa kanya at harapin ang takot ko.

Maraming nagtanong sa akin kung bakit ko raw iniwan ang nag-iisang babaeng mahal na mahal ko para lang sa pangarap ko. Kahit sabihin ko man ang dahilan ko alam kong hindi nila iyon maiintindihan.

*-*-*

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hanapin siya pati ang pagpunta sa Bacolod ay ginawa ko.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Tol?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Kraide.

Si Kraide ay isang part-time model sa US at full-time playboy. Hindi ko pa kahit kailan narinig sa kanya ang salitang 'pag-ibig'. Madalas niya akong inaalaska dahil daw para akong bading kung makaasta. Ang madalas ko na linya sa kanya 'makakahanap ka rin ng katapat mo'. Umuwi siya sa Pilipinas para umattend ng kasal ng pinsan niya. Hindi ko nga akalain na ikakasal ang mukong. Sobrang babaero kasi 'nun gaya ni Kraide. Siguro nga 'it runs in the blood'.

"Hoy! Ano na? Magdodoorbell na ba tayo o tutunganga ka lang diyan?" siniko ako ni Kraide ng hindi ako umimik. Nandito kami ngayon sa harap ng mansyon ng mga Lizares. Kung paano ko nalaman ang address niya, pinuntahan ko ang dating Pre-school na pinagtatrabahuan niya pero matagal na raw siyang wala roon buti na lang at kilala ako ng co-teacher niya at ibinigay sa akin ang address nila sa Bacolod.

"Don't tell me you dragged me all the way from Manila to Bacolod to just stand here?!" naiinis na tanong ni Kraide.

"Ito na nga eh." sabi ko sabay lapit sa doorbell. Ilang segundo pa bago ko ito napindot.

DING-DONG

Pagkatunog ng doorbell ay binukasan naman ng guwardya ang gate nila para silipin kung sino ang tao sa labas.

"Ano ang kinahanglan nila?" (Translation: Ano po ang kailangan nila?) tanong ng guard sa amin. Napakamot naman kami ng ulo kasi hindi siya namin maintindihan.

"Aray! Mapapasubo ka pa yata sa pakikipag-ilonggo kay manong." pang-aasar ni Kraide. Tinignan ko lang siya ng masama at ibinaling muli ang tingin kay manong guard.

"Ah Kuya, hindi po kasi kami marunong mag-ilonggo eh." sabi ko sa kanya at maging si manong guard ay napakamot din ng ulo.

"Ah.. Ang sabi ko po "Ano po ang kailangan nila?'." Ayun! Mabuti na lang at marunong magtagalog si manong.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now