Chapter 03

72 0 0
                                    

..Sunday

Bakit kaya ang bilis ng panahon kapag may ayaw ka na makita?! Nang-aasar talaga ang tadhana sa'kin. Ano ba ang point nitong Bitter na tadhana na ito at ginagawang komplikado ang mga buhay ng tao?

Andito ako sa condo ko, nakatitig lang sa kisame. Hindi alam kung ano ang dapat na gawin. Bukas na kasi ako magsisimula sa team ni Gabby at isa lang ang ibig sabihin 'nun!

I have to pretend that I'm not affected with him but I know deep inside I'm still hurting. Kung kailangan kong magpa-inject ng sangkatutak na anesthesia I am willing to do that para lang wala akong maramdaman na kahit ano kapag nasa harapan ko na siya.

DING DONG!

Nagulat ako ng tumunog ang doorbell sa condo ko. Wala naman kasi akong hinihintay na bisita. Mabilis akong bumangon para tignan kung sino ang gumugulo sa magulo kong buhay.

Pagbukas ko ng pintuan agad na bumungad sa harapan ko ang nakangising si Eivon at kasama nito si Rhynx. Si Rhynx ang manliligaw ni Eivon, isa rin siyang trainer sa sister company (TelTech-Plus) ng kompanya namin. Kasalukuyang naka base si Rhynx sa kompanya namin para sa Up-Training ng Escalations Department. Medyo matagal na rin naman ito na nasa kompanya namin, kung hindi ako nagkakamali mga 8 months na rin naman.

"Surprise!" Ang sigaw ni Eivon. Nagbeso agad sa'kin at mahigpit akong niyakap nito. Nginitian ko na lang ang nakatingin sa aming si Rhynx.

"Ito kasing BFF mo gusto kang bisitahin. Baka raw maisipan mong magbigti nang wala sa oras." Ang sabi ni Rhynx na tumatawa.

"Aray!" Sigaw ni Eivon ng kinurot ko siya sa tagiliran.

"Pasok kayo." Paanyaya ko sa kanilang dalawa.

"Hindi naman ako ganun ka baliw para dagdagan ang suiside rate ng bansa natin." Pinandilatan ko ng mata si Eivon na ngayong naka upo na sa sofa at may hawak na remote control.

"What?! As your BFF, nag-aalala lang naman ako eh." Ang sagot nito habang nakatuon ang tingin sa TV. Paano ba naman kasi adik masyado sa UAAP. Lalo na at ang Ateneo at La Salle ang naglalaban.

"Paw, may dala nga pala kaming food. Punta na akong kitchen ha, para makakain na tayo." Ang sabi ni Rhynx na pumunta sa kitchen.

"Ouch!" sigaw ulit ni Eivon ng kinurot ko siya ulit.

"Bakit ang sadista mo lately?" Masama ang tingin nito sa akin habang hinahaplos ang tagiliran.

"Kailangan mo pa talagang isama si Rhynx sa drama ko? Alam mo naman na ayaw ko maging issue 'to eh." Inirapan ko siya.

"Don't worry he promised not to tell anyone. Nag-aalala lang din naman siya sa iyo, gaya ko. BFF mo ako, pero yung feeling na wala akong magawa para damayan ka... ang hirap 'nun." Buntong hininga nito at yumuko siya.

"Alam ko naman na concern ka lang sa'kin eh. Kaya nga thankful ako dahil ikaw ang BFF ko." Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya rin ako.

"Oh? Tapos na ba kayo sa drama niyo? Baka gusto niyo na kumain muna?" ang sabi ni Rhynx habang bitbit ang tray na puno ng iba't ibang pagkain.

"Pigging out kahit nasa loob ng condo." Ang biro ni Eivon. Alam kasi nito na stress eater ako. Mabuti na lang talaga at hindi ako tumataba kahit anong lamon ko.

Pagka tapos namin kumaing tatlo ay nagpaalam na si Rhynx na mauuna kasi may duty pa ito. Hinatid naman ni Eivon sa elevator si Rhynx at agad na bumalik sa unit ko.

"So?" Panimula ni Eivon. "Ano na ang balak mong gawin bukas?" Umupo ito sa tapat ko.

"Since si Jappy na man 'yung mentor nila, siguro kakausapin ko na lang siya na siya na lang ang sumagot sa lahat ng katanungan nito."

"Iyon na 'yung brilliant idea mo?! Paano kung break time ni Jap at ikaw 'yung maiiwan dun sa klase nila?" Kahit kailan talaga panira 'tong babae na 'to sa mga plano ko! Pero may point din naman siya. Ang naging sagot ko sa kanya?

BAHALA NA!

Trapped (completed)Where stories live. Discover now