Chapter 04

63 0 0
                                    

Nagulat ako sa malakas na pagtunog ng alarm clock ko. Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at umupo sa kama.

DUG-DOG! DUG-DOG!

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ko na ako na nga pala ang magiging trainer NIYA!

"Arrrghhh!" Gusto ko na lang mawala bigla sa mundong ibabaw na ito.

Heto nga at naglalakad na akong papuntang lounge namin. Wala akong nagawa kundi ang pumasok. Hindi naman ako pupwedeng magcall in sick ng biglaan.

"Hey, girlfriend!" Ang bati sa'kin ni Eivon. "Ang aga mo yata ha. Inspired ka naman masyado sa............Mid-Shift." Ang pang-aasar nito sa akin.

"Ooooooy. Kaya ka ba maaga kasi gusto mo makita si Flinn?" ang tukso ng isa naming kasamahan.

"Kung alam niyo lang." Dagdag ni Eivon. Gusto ko na talaga siyang sabunutan sa panunuksong ginagawa niya sa akin. Baka anu isipin ng mga kasamahan namin na gusto ko si Flinn at umasa naman ito.

Bawat minuto na pumapatak sa orasan sa computer ko ay parang parusa. Kanina ay 11:39 am lang pero ngayon ay 12:15 pm na. 1:00 pm pa magsisimula ang shift ko pero kung makapagbiro talaga ang tadhana ay WAGAS!

"Miss Paw, may naghahanap sa'yo sa labas ng lounge." ang sabi sa akin ng isang mentor.

Lumabas ako para tignan kung sino ang naghahanap sa akin pero nagsisisi talaga ako na maaga akong pumunta sa office! I hate this day! I hate Mid-Shift and I hate HIM!

Paglabas ko ng lounge namin ay bumungad agad sa EXISTENCE ko ang babaeng nakikipaglandian sa kanya at siya naman ay nag-eenjoy ng HUSTO! Huminga ako ng malalim at....

"Ehem. Yes, you're looking for me?" Nakangiti kong tanong sa kanila. Nakatingin lang ako sa babae kasi wala akong lakas ng loob na tignan siya.

"Ahm.. Hi Miss Paw. Kami po 'yung trainees ni Miss Gabby. Nasabi niya po kasi kung gusto naming magreview ay pumunta lang kami sa lounge para magpabukas ng training room. Kinakabahan na po kasi kami sa certification namin mamaya kaya gusto namin na makapagreview kami." Sabi ng babaeng dinaig pa ang tikoy sa sobrang lagkit makakapit sa braso ng lalaking dinaig ang poste ng MERALCO na nakatayo lang.

"Ah. Ganoon ba? Sige, papabukasan ko na lang sa guard ang room natin. 'Wag lang kayo mag-ingay dun ha." Pinilit kong ngumiti sa kanila. Hindi ko na hinintay na makasagot sila at tumalikod na ako.

Alam ko na bastos 'yung ginawa ko pero ayaw ko naman na umiyak na lang bigla sa harapan niya!

** Puhlease! I won't give him the satisfaction at baka lumaki lalo ang ulo nito.**

"Ano? Kaya pa ba?" Ang pabulong na tanong ni Eivon sa akin ng makabalik ako sa computer ko.

Hindi ko alam kung nakikinig siya kanina sa usapan namin para itanong niya 'yun sa akin. Nagulat ako ng hinilot niya ang noo ko. Hindi ko namalayan na nakakunot pala ang noo ko.

"Relax! Para kang makakapatay ng tao sa mukha mong 'yan." Patuloy na pagdaldal nito.

"Hindi ko alam kong makakaya ko pa 'to! Magsick leave an lang kaya ako?" Wala sa isip kong nasambit ang mga salitang iyon

"Aray!" Napasigaw ako nung binatukan ako ni Eivon.

"'Wag ka ngang abnormal, please lang! Ano naman ang idadahilan mong sakit mo? Sa puso? Sa utak? Alam ko na wala ako sa lugar para sabihin ito sa'yo pero hindi ba't mas mabuti kong haharapin mo ang sitwasyon mo kesa sa takasan mo na lang ito?.. I'm sure sa kaloob-looban mo gusto mong malaman ang dahilan niya kung bakit siya bumalik kung ang tanging gusto nito noon ay ang i-pursue ang career niya para sa pamilya niya. Hindi ba?" Dahil sa sinabi ni Eivon para akong tinamaan ng kidlat.

Siguro nga panahon na para harapin ko ang kinakatakutan ko. Tama na siguro ang dalawang buwan para sa lahat ng pagdududa ko at mga 'what if's'. Kailangan ko rin naman ng closure para makapag move on na ng tuluyan. Nakakapagod na rin namang makulong sa nakaraan.

THIS IS IT!

Trapped (completed)Where stories live. Discover now