Chapter 18

32 0 0
                                    

DAY 2 of 5 (Ang Huling Linggo)

Alam kong wala NA akong karapatan na magselos pa sa kung ano man ang meron sina Chuck at ng babaeng tikoy na ito pero hindi ko mapigilan na magselos sa tuwing madalas ko silang makita na magkasama at sweet na sweet sa isa't isa.

Kulang na lang talaga na ipagsigawan nila sa buong mundo na 'MASAYA KAMING DALAWA'. Dapat ko na bang pagsisihan ang desisyon ko na pinagpatuloy ko pa ang pagiging trainer nila for freaking LAST FIVE DAYS??!

Bawat segundo, minuto at oras na lumilipas na nakikita ko silang nagtatawanan at masaya sa piling ng isa't isa ay para akong unti-unting pinapatay. Sabi nila, dapat ka daw maging masaya para sa taong mahal mo pero TANG-AMA!

Paano ako magiging masaya para sa kanilang dalawa kung nadudurog ang puso ko sa nakikita ko? I just can't bring myself to be happy for them. Paano nga ba ako magiging masaya kung iyong nag-iisang tao na nagpapasaya sa akin ay masaya na sa ibang tao? Gusto ko saktan silang dalawa para malaman nila kung gaano ka sakit 'yung nararamdaman ko ngayon!

"Chuck, tinatanong ka ng Nanay kung kailan mo daw ba siya bibisitahin ulit?" ang tanong ng babaeng tikoy.

"Siguro pagkatapos ng team building na lang natin." sagot naman ng gagew.

So? Pinakilala na pala siya nito sa pamilya ng babaeng tikoy at take note..... close pa sila ng Nanay nito. Samantalang ako ni hindi ko siya nagawang ipakilala sa parents ko. Ang pamilya ko ay taga-Bacolod talaga pero dahil sa gusto ko maging independent pumunta ako sa Manila para magtrabaho. Naalala ko pa noong minsan kausapin ako ni Mommy. 

Flashback....................

"Paw, you know that you don't have to go to Manila just to prove your worth to us. You want to have your own business, I'll give it you. Just stay here with us, sweetie." ang sabi nito na halos nagmamakaawa na sa akin.

"Mom, alam ko naman na you can provide me everything I asks you but I want to stand on my own feet. Iba pa rin 'yung feeling na nakukuha ko ang gusto ko sa sarili kong pera, 'yung pera na pinaghirapan ko. I want to explore things on my own, iyong balang araw may ipagmamalaki ako sa inyo na nakaya kong harapin ang mga pagsubok sa buhay ko. All my life you were there to catch me every time na may gagawin akong katarantaduhan. Kahit anong pagrerebelde ang gawin ko tinatakpan niyo lagi. Maniwala ka Mom, hindi ko pinagdududahan ang pagmamahal niyo sa akin. Iba pa rin kasi kung ako 'yung mag-aayos ng sarili kong gusot. Gusto kong makikila ako ng mga tao in a different aspect, hindi 'yung Pauline Lizares na spoiled brat na anak ng sikat na Businessman at anak ng isang Congresswoman. I hope you understand my decision. I hope you understand me."

Hindi na nagsalita si Mommy but instead she hugged me tightly.

End of Flashback................

Nagulat nga rin ako sa pagbabago na nangyari sa sarili ko eh. I used to be a spoiled brat na nakukuha ang lahat ng gusto niya pero ngayon isa lang naman ang gusto ko pero bakit hindi ko ito makuha? Ito na yata ang karma ko sa ipinagyabang ko noon kay Mommy na makakaya kong ayusin ang gusto na papasukan ko.

Alam kong walang kasalanan si Chuck sa pagbabago na ginawa ko sa sarili ko pero isa siya sa mga dahilan ko kung bakit ko binago ang buhay ko. Hindi ko pinagsisihan kung ano ako ngayon sa katunayan nga masaya ako sa pagbabago na nangyari sa akin.

Kung dati hindi ako gumagawa ng kahit na anong gawaing bahay kasi meron kaming kasambahay na gagawa noon para sa akin pero siimula nung nabili ko ang condo ko ako na ang gumagawa 'nun at si Chuck ang tumulong sa akin para matuto. Kaya ganoon na lang kahirap sa akin ang magmove on hanggang ngayon kahit na sabihin pa na DALAWANG TAON na ang nakakalipas.

Ang pangalang Charles 'Chuck' Castillo ay kadugtong na yata ng pagkatao ko. Lahat kasi ng gagawin ko pinapaalala nito na siya ang dahilan ng pagkadiskubre ko sa sarili ko, sa bagong............

PAULINE LIZARES.

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon