Chapter 20

29 0 0
                                    

DAY 4 of 5 (Ang Huling Linggo)

"Miss Paw, mukhang blooming ka yata ha."

"Miss Paw, bagay po sa inyo ang 'short hair, don't care."

"Wow, chicks masyado si Miss Paw oh."

"Naku! Mas lalo ng maiin love sa inyo si Sir Flinn."

Ang sabi ng trainees ko na nakangiti dahil sa bagong ayos ko. Nakita ko naman si Chuck na nagulat.

Alam niyo na kung sino ang may pakana nito. Nabasa daw kasi ni Eivon sa isang magazine ang tungkol sa 'How to move on tips'. New look daw dapat kasi I'm starting a whole brand new life. Kaya pumayag ako sa plano niyang pagMakeover sa akin. Mabuti na lang at nagustuhan ko ang mala Sarah Geronimo kong buhok.

"Miss Paw, patulong naman po ako dito. Gusto niya po kasing makausap ang immeditae supervisor ko." sabi ng isang trainee sa hanay ko. Agad akong pumunta sa kinaroroonan niya para magTake over ng call.

Hindi ko namalayan na pumasok pala sa room namin si Flinn.

"Ah..Guys, saan nagpunta si Miss Paw niyo?" dinig ko ang pagtatanong ni Flinn pero hindi ako nakalingon sa kanya kasi abala ako sa call na tinake over ko. Irate kasi ang customer dahil sa hindi na process ang reservation nito kahapon.

"Ayan po si Miss Paw oh." rinig ko na sabi ni Leo.

"Ha? Niloloko niyo ako ha." sabi ni Flinn.

"Pakisabi na lang sa kanya na i-chat niya ako kapag nakabalik na siya." dagdag nito

Nakita ko siyang umalis na ng room namin.

Matapos ang kalahating oras na pagTake over ko ay natapos din ito at kumalma ang customer. Pumayag naman ito na i-reserve sa ordinaryong family room. Tumayo na ako at pumunta sa computer ko nung nagsalita si Leo.

"Miss Paw, dumaan nga po pala si Sir Flinn dito. Tinuro ko po kayo kaya lang ayaw niyang maniwala na ikaw ang tinuro ko. Baka nasilaw sa kagandahan mo. Haha." ang sabi nito. "i-chat niyo na lang daw po siya kapag nakabalik kayo kahit na hindi naman talaga kayo umalis." panunukso nito.

Nginitian ko na lang ito at nagchat kay Flinn.

Medyo queuing ngayong araw na ito kaya madalas akong magFloor assist sa trainees ko. Pagpasok ni Flinn ay nagkataon na pabalik na ako sa computer ko.

"Flinn! Lunch break?" this time ako na 'yung nagtanong sa kanya. Kasi nakatayo lang siya at tulala.

I waved my hand in front of his face to get his attention.

"Flinn!" Narinig ko na nagtatawanan ang trainees ko sa naging reaksyon nito.

"Nasa langit na ba ako?" ang tanong nito na naka ngisi nang matauhan.

"Tse! 'Wag mo na akong bolahin pa!" ang saway ko sa kanya at hinigit siya sa braso.

*-*-*

Dinala ako ni Flinn sa isang fine dining restaurant. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dinala niya ako sa Novita's Cuisine.

"Masyado naman atang special ang lunch natin ngayon." ang sabi ko sa kanya habang naghihintay sa order namin.

"Because you are special."

Trapped (completed)Where stories live. Discover now