Chapter 14

28 0 0
                                    

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Mahihiya ang salitang 'tulala' sa akin. Na windang ako ng husto knowing na si Ma'am Joy pa talaga ang nakakita sa amin sa ganoon posisyon.

I mean kahit sino ang makakita sa amin hindi naman talaga kanais-nais ang maiisip pero triple ang impact sa akin kasi si Ma'am Joy ito. Baka iniisip nito na.....

"Miss Paw? Ok lang po ba kayo?" tanong ng nagtatakang si Jappy sa akin. Agad naman ako na bumalik sa mundong ibabaw.

"Ah.. Oo naman." ngumiti ako.

"Siya nga pala, ikaw na muna ang bahala sa kanila kasi pinapatawag ako ni Ma'am Joy sa opisina niya." ang deridericho kong wika.

"Ha? Andito na siya? Ang aga niya naman yata?.." sabi nito.

Sa isip ko... ** Hindi ko nga rin inakala na andito siya at nakita niya ako sa napakanakakahiyang sitwasyon. **

"Baka may meeting." simpleng sagot ko sa kanya at lumabas na ng training room para pumunta sa opisina nito.

*-*-*

Bawat hakbang na aking tinatahak papuntang opisina ni Ma'am Joy ay masasabi kong torture. Para akong lumalakad sa bubog ng nakayapak. Ramdam ko palad ko na nagpapawis kahit na naka air-condition ang buong kompanya namin.

Parang ilang milya ang nilakad ko para lang makarating sa opisina ni Ma'am Joy. Kitang-kita ko ang naka upo na si Ma'am Joy sa harap ng computer nito. Naglakas ako ng loob na bukasan ang pinto ng opisina niya.

Nang makita niya ako ay agad na tumingin ito sa akin na blanko pa rin ang reaksyon sa mukha.

"Have a seat, Paw." seryosong wika nito. Umupo naman ako sa harap ng mesa nito.

"We all know our number policy when it comes with our trainees, right Miss Pauline?" Panimula nito. Tumango lang ako at hinayaan siyang magsalita.

"But I don't want to be irrational with what I saw ealier. Alam ko sa lahat ng members natin, ikaw 'yung sumusunod sa rules ang regulations ng company natin." Huminto siya saglit na para bang pinag-iisipan ang susunod na sasabihin nito sa akin.

"Is there anything that you want me to know?" tanong nito sa akin.

Handa na nga ba akong sabihin ito sa ibang tao? Siguro dapat ko na nga harapin ito. Keeping this from her will just complicate things.

Huminga muna ako ng malalim para ikalma ang buong sistema ko.

THIS IS IT! THERE'S NO TURING BACK.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now