Chapter 31

40 0 0
                                    

Chuck's POV

Huling dumating na magkasama sila Paul at Flinn sa resort. Nabuhayana ko ng dugo ng makita ko siyang dumating. Sa isip ko noon ay ito na ang aking pagkakataon para makausap siya at para maipaliwanag ang lahat ng bagay sa kanya.

Nagsimula na kaming magdinner. Nasa katabing mesa lang kami nila Paul, Flinn at ang mommy ni Flinn na tila ay naaaliw kay Paul.

Wala ka naman talagang maipipintas na masamang bagay kay Paul. Maganda, sexy, matalino, magalang at mabait ito kaya siguro naging magaan agad ang loob ng mommy ni Flinn sa kanya. Iyon ang inakala ko pero nung marinig ko ang sinabi ng mommy ni Flinn kay Paul ay para akong pinagsakluban ng langit.

"Hahaha. I need to talk to your Mom and set the date of your marriage with my son." nakatawang wika nito. 

"Mom!" saway ni Flinn dito pero si Paul hindi siya umiimik at nakangiti lang ito, siguro. Nakataliko kasi ito sa akin at wala akong kahit anong clue sa kung ano ang reaksyon niya sa sinasabi ng mommy ni Flinn.

"What? Gusto ko si Pauline para sa iyo. She's a fine young woman and very smart. Ang gaya niya ay hindi dapat pinapakawalan pa. Hahaha." patuloy lang ang pagtawa nito.

Doon na ako napatayo at lumabas. Tinamaan ako roon sa sinabi ng mommy ni Flinn. Alam ko napakagago ko para pakawalan pa ang gaya ni Paul. Masakit marinig ang ganoon bagay.

Pumunta ako sa swimming pool para magpahangin at para makapag-isip na rin sa kung ano ang gagawin ko para makausap si Paul. I need her back. I want her back. Iyon na lang ang tanging pinanghahawakan ko sa mga oras na iyon. Mahal na mahal ko siya, sobra. Hindi na ako papayag pa na mawala siya sa akin.

Not again. That's what I've thought.......

*-*-*-*

Ilang minuto ang nakalipas ng tabihan ako ni Glyden sa pagkakaupo ko sa swimming pool habang nakalubog ang mga paa ko.

"Bakit bigla kang umalis?" tanong nito habang tinitignan ako.

"Gusto ko lang magpahangin." pagsisinungaling ko. Tumango lang ito at ngumiti sa akin. May mali sa ngiti niya, iyong ngiti na hindi umaabot sa mata.

"Inom tayo." sabi ni Leo sa amin. Nasa likod niya na ang mga kasamahan namin. Ilang oras pa at medyo tinatamaan na ang mga kasama namin kung kaya'y nagyaya silang maglaro ng "truth or dare".

Ilang ikot pa ang nagdaan bago tumapat kay Glyden ang bote. Napili naman nito ang........"Dare." malakas na sigaw nito.

"Dahil sa dare ang napili mo, i-kiss mo si Chuck sa lips." ang dare ni Rey sa kanya. Dahil sa napag-usapan na noong umpisa na walang mapipikon o aayaw sa kahit anong dare kaya wala akong nagawa.

"Kiss." chant ng teammates namin sa kanya na chinicheer siya na gawin ang dare. Ginawa niya naman ang dare. Hindi ko na ikinagulat pa na gagawin niya ito, lalo na nga na medyo lasing na ito. Ang ikinagulat ko ay ang biglang pagtalon ni Paul sa pool. Napansin ko na medyo matagal na rin itong nasa ilalim ng tubig. Lalangoy na sana ako papunta sa kany kaso na unahan na naman ako ni Flinn.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now