Chapter 17

31 0 0
                                    

DAY 1 of 5 (Ang Huling Linggo)

Naging abala ako sa pagreply sa mga emails ko lalo na ang mga email na may kinalaman sa scorecard ng team namin.

"Chuck, lunch na tayo. Bilis." ang malakas na salita ng babaeng tikoy sa kanya. Agad naman itong sumama sa kanya. Sabay silang lumabas na dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin at tinuon ang atensyon ko sa report ko.

Sampung minuto ang nakalipas matapos lumabas ang dalawa ay may dumungaw sa pintuan ng training room ko. Lumingon ako at nakita ang nakangiting si Flinn.

"Andiyan na ang ka lunch date ni Miss Paw oh." ang panunukso ng isang trainee ko.

"Alam na alam niyo talaga na sinusundo ko si Miss Paw niyo para maglunch ha." sabi ni Flinn sa trainees ko.

"Nasanay lang kami na every time na pumupunta ka dito ay inaaya mo siya makipaglunch sa'yo." ang sabi ni Leo.

"Bistado na yata ako ha." at nakisakay naman 'tong si Flinn sa tukso nila.

"So? Lunch?" tanong sa akin ni Flinn. Tumango ako at lumabas na rin sa training room. As a gentleman that he is, nauna akong lumabas ng room at siya ang nagsara ng pinto.

Naglalakad na kami palabas ng office ng mapansin namin na sobrang malakas ang buhos ng ulan.

"Ok lang ba sa'yo na sa pantry tayo kakain ng lunch?" ang tanong nito na nakangiti pa rin. Madalas kaming kumakain sa labas kapag lunch break namin kasi may kotse naman ito.

"Ok lang." simpleng sagot ko sa kanya at naglakad na kaming dalawa papunta sa pantry.

Napatigil ako nang makita ko ang hindi kanais-nais na eksena ng dalawang higad!

"Tikaman mo ito oh, ako nagluto nito. Try mo lang kahit kunti." Sinusubuan ng babaeng tikoy si Chuck. Nagpasubo naman ang HAYOP!

** Ilang kilo ng ampalaya ang tinira mo, Paw?! ** pang-aasar ng atribida kong konsensya sa akin.

"Ano? Pwede na ba akong makapag-asawa?" tanong ng babaeng tikoy.

"Pwedeng-pwede. Magaling ka naman pala magluto eh." sabi ng gagew at itong babaeng tikoy naman ay parang kinikiliti.

** Mabulunan ka sana! ** tahimik kong panalangin.

"Miss Paw? Dito kayo kakain sa pantry?" bati ng babaeng tikoy slash higad sa akin habang nakangiti.

"Oo eh. Malakas kasi ang ulan sa labas." ang sagot ko sa kanya. hindi ako tumingin kay Chuck. Ayaw ko na makita niya ang expression ng aking mukha.

"Order na tayo?" Hinawakan ni Flinn ang braso ko at iginiya niya ako sa counter kung saan naka display ang mga pagkain.

Gutom na gutom ako kanina pero nung nakita ko silang nagsusubuan ay para akong nawalan ng gana. Matapos naming umorder ay umupo kami sa kabilang mesa kung saan katabi lang ng table nila.

"Miss Paw, tikman niyo po itong niluto kong Shrimp Lollipops." alok ng babaeng tikoy sa akin. Bago pa ako makasagot ay bigla na lang sumabat si Chuck.

"Allergic siya sa shrimp." sabi nito habang ramdam ko na nakatingin sa akin.

"Paano mo naman nalaman na si Miss Paw ay allergic sa hipon?" pagtatakang tanong ng babaeng tikoy.

"Ah..Ano kasi. Napansin mo naman siguro na hindi siya umorder ng rice kasi lahat ng ulam nila may sahog na hipon." pagdadahilan naman nito ni Chuck.

** Bigtime LIAR! **

Tumango naman ang babaeng tikoy dahil na kapanipaniwalang pahayag ni Chuck.

"Sir Flinn, Miss Paw. Mauuna na po kami baka ma overlunch kaming dalawa." sabi ng babaeng tikoy at agad naman na kumapit sa braso ni Chuck. Nginitian ko na lang siya at bumalik na sa pagkain ng siomai ko.

"Ayos ka lang ba? Ayaw mo ba ng siomai mo?" pag-aalala ni Flinn sa akin. Tinignan ko lang siya na nagtatanong ng what-do-you-mean.

"Kasi durog-durog na iyang siomai mo." sabay turo sa siomai ko na nasa paper plate.

"Medyo nasobrahan yata nila ng asin." pagdadahilan ko. Tinikman niya naman ito

"Hindi naman ah." sabi nito sa akin. Nilagay niya ang kamay niya sa noo ko para tignan kung masama ba ang pakiramdam ko. "Wala ka namang lagnat.

Wala naman talaga akong lagnat, ang puso ko ang may sakit.

I repeat, PUSO KO ANG MASAKIT!

Trapped (completed)Where stories live. Discover now