Chapter 10

36 0 0
                                    

Naglalakad ako papauntang training room namin para sana i-run ang report ng kanilang staff hours para sa report ko nang makita ko siyang nakasandal sa labas ng training room namin. Kung hininhintay niya ako, 'yun ang hindi ko masasagot. Tatalikod na sana ako nung bigla niyang hinigit ang kamay ko.

"Can we talk?" ang agad na tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalungkotan. sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang yakapin pero wala akong lakas ng loob para gawin 'yun.

"W-what do you want to talk about?" mahinang sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kong narinig niya ang tanong ko sa kanya.

"Us." 'yun lang ang simpleng nasagot niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Sig.." panimula ko pero napatigil ako ng bigla kong marinig ang boses ni Flinn. 

"Paw, andyan ka lang pala!" Lumingon ako sa kanya at kita sa mukha nito ang pagka galak. Agad na kumalas ako sa pagkakahawak niya.

"I gues this is not the right time for us to talk about it." Bulong ko kay Chuck at nagsimula ng lumakad papalayo sa kanya.

Siguro ang tadhana na mismo ang nagsasabi sa akin na hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan namin ang tungkol sa aming dalawa.

"Oh, Flinn. Anong kailangan mo?" ang sagot ko sa kanya na parang naguguilty sa eksena namin ni Chuck kanina. Hindi ko alam kung napansin ba ni Flinn ang pagkakahawak ni Chuck sa kamay ko kasi hindi nagbago ang expression ng mukha nito. Sa sobrang guilty ko, feeling ko tuloy para akong nahuli ng asawa ko na nangangaliwa.

"Magpapatulong kasi sana ako sa template ng scorecard ng team ko eh, kung hindi ka lang naman busy." parang nahihiyang sabi nito sa akin. Tumango naman ako at pumunta kami ng sabay sa training room niya.

Kung bakit nagpapatulong sa akin si Flinn sa template niya ay dahil next week ang last week ng team namin at dito na malalaman kung sino ang papasa at magpapatuloy sa production floor. Hindi ko namalayan na tatlong linggo na pala ako sa team ko.

Lahat ng trainees niya na nakaupo at nagbabasa ng manual nila. Nung makita nila na sabay kaming pumasok ay agad naman kaming tinukso ng mga ito. Nasanay na rin naman kaming dalawa sa mga panunukso ng team namin.

Ngumingiti lang ako sa kanila pero hindi ako sumasakay. Mahirap na baka ma accuse akong pa fall lalo na nung nalaman ko na may crush nga sa akin 'tong si Flinn. Kung kanino ko nalaman? Syempre sa chismosa kong BFF. Pero kahit nalaman ko 'yun ayaw ko naman na mailang kami ni Flinn sa isa't isa kaya hindi ko na lang ito pinansin.

Iyong nga ba ang totoong dahilan ko o ayaw ko lang na magulo pa lalo ang buhay ko? Ngayon pa na hindi ko pa nakakausap ng maayos si Chuck.

Siguro nga ay nakakulong pa rin talaga ako sa nakaraan ko.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now