Chapter 34

42 0 0
                                    

Flinn's POV

Noong una kong makita si Pauline gusto ko na ito pero dahil alam ong hirap pa rin itong magmove on sa Ex niya ay minabuti ko  na lang na ipagpaliban ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang sa napagdesisyonan ko na it's time na iparamdam ko sa kanya na may nagmamahal sa kanya na hindi siya iiwan.

Dalawang taon akong nagtiis sa feelings ko para sa kanya. Sa hindi ko inasahang pagkakataon nagkasama kami sa iisang shift. Siguro ito na 'yung pagkakataon ko na magtapat sa totoong nararamdaman ko para sa kanya.

Madalas nga akong kantsawan ng kasamahan namin na torpe raw ako kasi hindi ko kayang sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa babaeng iniibig ko.

Ayaw ko lang naman kasi na isipin niya na pinagsasamatalahan ko ang kahinaan niya para lang maibaling niya ang pansin niya sa akin.

Noong iisang shift na kami, madalas ko siyang inaaya na maglunch. Pati nga trainees namin ay tinutukso na ako sa ginagawa kong pagsundo sa kanya tuwing lunch break.

May nararamdaman akong kakaibang kinikilos ni Pauline sa tuwing nasa paligid ang isang trainee niyang lalaki. Noong una hindi ko ito pinansin. Hindi nagtagal ay nagresearch na ako tungkol sa nakaraan ni Pauline.

NagCyber stalk ako, tinignan ko ang Facebook account ni Pauline na hindi niya na ina-update.

Nagulat ako sa nakita ko.

Gusto kong i-deny sa sarili ko na hindi totoo ang nasa harap ko.

Na hindi si Charles ang Ex ni Pauline!

To say I was devasted, is an understatement.

Akala ko handa na akong magtapat sa nararamdaman ko pero mali ako.

There was a time when I saw them talking to each other. Nasaktan ako ng sobra noon pero hindi ako nagreact. Kasi alam kong wala akong karapatan para magtanong sa kung ano man ang namamagitan sa kanila. Kasi wala akong karapatan para magselos kasi hindi kami. Idagdag mo pa na mas lamang sa akin si Charles dahil may pinagsamahan na sila.

Nagtanong-tanong ako sa mga kasamahan namin kung may nababalitaan ba sia tungkol kay Pauline at sa Ex nito pero gaya ko wala rin silang alam kung hindi ang general knowledge namin na, hindi pa rin nakakamove on si Pauline sa Ex nito.

Sinubukan kong mapalapit ang loob sa akin ni Pauline pero bigo pa rin ako.

Birthday ko noon ng pumuta kami sa resort namin. Masayang masaya ako kasi andoon ang babaeng pinakamamahal ko, pero ang lahat ng iyon ay naglaho ng makita ko siyang umiiyak.

Kahit hindi nito sabihin sa akin kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya alam ko sa puso ko na si Charles pa rin.

"You don't have to tell me, I know and I understand." was all I said to her.

*_*_*

Nalaman ko na lang na nagfile ng indefinite leave si Pauline. Noong una ayaw kong maniwala sa mga naririnig ko pero napatunayan ko iyon ng makita ko mismong may dalang bagahi si Pauline palabas sa Condo Unit niya.

Nagtago ako para hindi niya ako makita. Para akong stalker noon na sinusundan ang kinababaliwang niyang tao. Aaminin ko, gustong-gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kanya na handa akong gawin ang lahat para sa kanya, para tuluyan niya ng makalimutan si Charles pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Sa halip patuloy lang akong bumuntot sa kanya hanggang sa makarating na siya sa lugar na iyon.

Ilang araw ko siyang pinagmasdan. Ilang beses ko rin siyang nakikita na umiiyak mag-isa malapit sa dalampasigan.

Kinukurot ng husto ang puso ko sa nakikita ko. Ang babaeng gusto ko umiiyak ng dahil sa taong mahal niya.

'I need to do something to make her whole again.' determinadong sabi ko sa sarili ko.

*_*_*

Nakipagkita ako kay Charles para sabihin sa kanya ang kinaroroonan ni Pauline. Kahit masakit sa kalooban ko alam kong si Charles lang ang makakatulong sa kanya para maghilum ang sugat ng puso nito.

"Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataong ito." malungkot kong wika sa kanya.

"I love her........and it hurts me big time to see her broken. Mahal an mahal ko siya kaya ayaw kong nasasaktan siya ng husto. Huwag mo sana akong biguin, huwag mo sana siyang biguin sa pagkakataong ito. Kapag binigo mo pa siya, wala na akong magagawa kung hindi ang tuluyang kunin siya sa iyo."

Hindi ko na hinintay pa na makasagot siya at umalis ako ng restaurant na......................

durog ang puso. 

Trapped (completed)Where stories live. Discover now