Chapter 07

37 0 0
                                    

** Sa wakas! ** Pagdiriwang ng buong sistema ko. RD (Rest Day) ng buong team ngayon hanggang bukas. Makakapagpahinga rin ang utak at puso ko sa sobrang pait ng dugo na dumadaloy sa buong katawan ko.

*-*-*-*

Nandito kami ngayon sa Pub-Like ni Eivon, Rhynx, Jappy at Ma'am Joy (Oo, sumasama sa amin magnight out si Ma'am Joy kung RD niya.) As usual kapag tipsy na 'tong si Eivon ay mangungulit na ito sa akin. Kanina pa kasi niya ako kinukulit kung ano ang nangyari sa akin at sa team ko sa loob ng limang araw na magkasama kami.

Kaya kinuwento ko lahat. Pati na 'yung panunukso ng buong team sa amin ni Flinn.

"Bakit nga ba hindi na lang kayo ni Flinn?" Ang panunukso nito. Kaya nga ayaw ko magkwento sa kanya minsan kasi nakikisali rin ito sa panunukso.

Kung bakit ayaw ko kay Flinn, hindi ko rin alam. Gwapo naman ito, sweet, mabait, matalino, mayaman at higit sa lahat hot

Kahit na ganun ay hindi talaga makuha ng sistema ko ang kiligin sa kanya. Siguro nga talaga nakakulong pa rin ako sa posibilidad na maging kami ni Chuck.

Ayaw ko ng magpanggap pa na hindi ako tanga kasi totoo naman talaga 'yun (putik lang talaga).

Umaasa pa rin ang nuknukan ng tanga kong puso na kahit konti ay may puwang pa rin ako sa puso niya, ako at hindi 'yung babaeng tikoy na 'yun

Kahit papaano ay may improvement ako, nasasabi ko na ang name niya kahit sa utak ko lang

Noon, marinig ko lang ang pangalan niya para akong sinusunog ng buhay sa sobrang sakit.

Nabigla ako nung magsalita si Ma'am Joy.

"Kamusta naman 'yung team mo, Paw?" tanong ni Ma'am Joy sa akin. Ang hinahandle na account ng team ko kasi ang isa sa mga importanteng account na meron ang kompanya namin.

"Ok naman po Ma'am Joy. Sa katunayan nga po may evaluations na rin sila at masaya ang team namin na matataas ang nakukuha nilang scores." Nakangiting tumango si Ma'am Joy sa sinabi ko.

It was past 1 am na nung umuwi kami. Hindi ko namalayan na marami na pala akong text messages. Medyo nagulat ako ng makita sa screen ng phone ko ang naka display na ko na '158 unread text messages received'. Nagtataka ako kung sino ang magtitext sa'kin ng ganung karami.

Nagtataka ako nung binukasan ko ang inbox ko kasi puro unknown numbers. Binuksan ko ang first 10 messages at nakita na puro GM pala ito galing sa team ko. Sisingsisi ako dahil binasa ko ito. Halos mabitawan ko ang cellphone ko nung mabasa ang isang GM.

Goodnight guys! :)

Goodnight Chuck. :*

Tama nga kayo. Galing nga sa babaeng tikoy ang message na ito.

At nung binasa ko ang isang message tuluyan ko ng nabitawang ang cellphone ko. Mabuti na lang at nakaupo ako sa kama ko. Ito lang naman kasi ang nabasa ko.

Gudnyt and sweet dreams, B.

Reply naman agad ang GAGEW! Anong ibig sabihin ng 'B'?! Baby, Bhe, Babe, Beau o Boo?!

Pati ba naman sa RD ko wala akong karapatan na manahimik?

** UTANG NA LOOB! Tantanan niyo akong dalawa! Lalo ka ng babaeng tikoy ka, kung gusto mong pumasa sa training mo!! Pucheeto chips lang talaga!! ** Pagsusumamo ko sa utak ko. Tuluyan ng sumakit ang utak ko sa mga pangyayari.

Langyah?! Hindi ko na naman napigilan na umiyak. Bakit ba lagi na lang ako umiiyak ng dahil sa kanya? Kailan ba mapapagod ang puso ko sa iniindang kirot nito?

Tama nga si Eivon, nababaliw na nga talaga siguro ako!

Trapped (completed)Where stories live. Discover now