Chapter 02

77 1 0
                                    

Kinabukasan ay binisita ko ang klase ni Gabby upang makapag Meet and Greet sa mga ito.

Pagpasok ko ng training room ay nakaupo ang lahat ng trainees nito at tahimik na nagbabasa ng manual.

"Paw, mabuti na lang talaga at sa'yo naiwan itong team ko." Ang sabi ni Gabby sa akin. Sa laki nga ng tiyan niya ay parang anytime ay puputok na ito.

"Excited na nga ako na ma experience ang Mid-shift. Hehehe." Ang sabi ko sa kanya. Hinimas ko ang tiyan niya at naramdaman kong gumalaw ito.

"Pati yata anak ko ay gusto ka rin ha." Biro nito. "Papakilala na muna kita sa kanila at nang makauwi ka na rin." Ang sabi nito at tumayo na.

"Guys, I would like you to meet trainer Pauline. She will be your new trainer starting monday. Huwag niyo siyang bibigyan ng sakit ng ulo habang wala ako." Ang sabi niya sa trainees niya.

Nakangiti ako sa kanilang lahat at nilibot ko ang paningin ko para maging pamilyar sa akin ang kanilang mukha, nang biglang may napansin akong pamilyar na mukha. Hindi ko naman hiniling na ganoon ka pamilyar na mukha ang ipakita sa akin eh!

Nagulat ako sa aking nakita. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko na ang o-overspeed na sa sobrang lakas, kasabay nito ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.

"Would you like to say something?" Ang tanong ni Gabby sa akin.

Pero hindi ako maka compose ng sentence ko na para bang nalunok ko ang dila ko. Pinilit kong umarte ng maayos pero sa loob ko gusto ko na lang na kainin ako ng lupa o bigla na lang akong mawala na parang bula.

"Ahm..I'll see you next week, guys. N..ice to meet you." Ngumiti ako at agad na nagpaalam sa klase ni Gabby at sa kanya na rin. Kita ko ang pagkagulat nito sa agaran kong pag-alis.

Binuhos ko ang lahat ng lakas ko para matungo ang lounge namin. Bigla akong niyakap ni Eivon. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"My gosh. Paw! Anong nangyari sa'yo? Don't tell me nakita mo si Jun-jun?" (Kung nagtataka kayo kung sino si Jun-jun, siya 'yung sikat na multo sa kompanya namin.)

Hindi ako makasagot sa tanong niya at humagolgol lang ako. Matapos ang pag-agos ng  mala Ma. Cristina Falls kong pag-iyak ay tumigil na rin ako. Na realize ko siguro na nagmumukhang tanga na talaga ako to the highest level.

"Oh? Ready ka na bang makipag-usap?" Ang seryosong tanong nito sa akin.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa training room. Alam kasi nito ang tungkol sa amin ni Chuck. Nagulat nga rin siya sa sinabi kong magiging trainee ko ito sa susunod na linggo.

"Huwaat?!" Eivon ang malakas na sigaw nito. Agad ko naman na tinakpan ang bunganga nito.

"Anong gagawin mo ngayon?" Ang seryosong tanong ni Eivon sa'kin. Nagkibit balikat na lang ako.

Iyon nga rin ang pinoproblema ko ngayon eh. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Hindi ko naman siya pwedeng iwasan kasi ako ang magiging trainer nila next week? Ayaw ko naman na mawalan ng trabaho para lang iwasan siya. Lalong ayaw ko na mapatawag sa opisina ni Ma'am Joy dahil sa ganitong issue ko sa buhay. Baka sabihin niya na napaka unprofessional kong tao.

*Arghhhhhhhhhh! ASARa Geronimo akik!* Nahahawa na tuloy ako sa kabaklaan ni Eivon.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now