Chapter 32

42 0 0
                                    

3 Months After..........

Tahimik akong namumuhay sa isang Isla. Nagsisimula ng bagong kabanta ng buhay ko.

Bago ako pumunta sa Islang ito ay tinawagan ko muna sila mommy na magbabakasyon ako para makapag-isip. Noong una syempre nag-alala ito pero sa kalaunan ay na kombinsi ko naman ito na uuwi ako ng Bacolod pagkatapos kong magSoul Searching.

Sinadya ko talagang hindi magdala ng kahit anong gadgets kasi ayaw kong matunton ako ng kahit sino. Call me crazy or lunatic but a part of me still believes if fate would allow us to meet, he'll find me.

*sighed*

I'm trapped in the past and most of all I'm trapped with my feelings for him.

I know I'm a hopeless case but what I can I do? My heart won't stop loving him.

Napatigil ako sa pagtapon ng bato sa dagat. Kasalukuyan akong nakaupo sa bato at nagmumuni-muni ng biglang tumakbo papalapit sa akin si Krizza. Si Krizza ang anak ni Aling Shirley na may ari ng inuupahan kong bahay.

"Ate Pauline, naniniwala po ba kayo sa destiny?" hinihingal itong nakatingin sa akin.

"Huh? Bakit mo naman natanong sa akin iyan?" hindi ko alam kung matutuwa ako o magtataka sa pagiging curious nito sa mga bagay-bagay.

"Sagutin mo na lang po kasi....pleaseeeeeeeee." pangungulit nito.

"Oo na hindi. Oo kasi may mga bagay na nakatakdang mangyari kahit gusto natin o ayaw. Hindi kasi, ang tao raw mismo ang gumagawa ng tadhana nito. Kumbaga may kapangyarihan tayong gawin ang gusto nating mangyari sa buhay natin."

"Eh, sa second chance?" tanong ulit nito. Napapangiti na lang ako sa kakulitan niya.

"Depende kung karapat-dapat ba ang taong iyon na bigyan ng second chance. If he is worth the risk."

** Oo na! Ako na ang may pinaghuhugutan. **

Nabigla ako ng may biglang tumabi sa akin.

"Am I worth the risk? Because for me, you are worth all the risk in the world, Paul."

Trapped (completed)Where stories live. Discover now