Chapter 21

25 0 0
                                    

"Because you are special." ang sagot nito na nakatingin sa mga mata ko ng diretso.

Ngumiti na lang ako sa kanya at uminom ng tubig. Ngayon ko lang si Flinn narinig na bumanat ng ganitong linya at hindi ako handa.

Sandaling naging awkward ang paligid namin dahil lang sa four words na sinabi niya sa akin. Maya-maya nagsalita na siyang muli.

"Nagulat ako sa bagong transformation mo. Hindi naman sa hindi bagay sa iyo ha hindi ko lang talaga inaasahan na magpapagupit ka ng ganyan ka ikli." seryosong wika nito.

"'Wag ka mag-alala, first time ko rin naman makita ang sarili ko na maikli ang buhok. I feel for you." pabirong sabi ko sa kanya.

Dumating na ang order namin at kumain kami habang nagkukwentuhang dalawa. Marami akong nalaman sa kanya. Only child din pala siya gaya ko. Bago pala siya pumasok sa company namin ay isa siyang Engineer sa Korea pero nung nagkasakit ang lola nito ay hindi na siya bumalik pa sa Korea at nagtrabaho na lang sa isang BPO.

"Ang layo nga ng binagsakan ko eh. From being an Engineer to a Trainer. Kung hindi siguro ako naging Engineer siguro College teacher ako ngayon. Noon pa lang may passion na ako sa pagtuturo. Iyong lola ko kasi active member ng church namin kaya sinali niya ako sa Sunday School." ang pagkukwento nito.

"Ayaw mo ba maging Pastor sa church niyo?" na curious ako bigla.

"Hindi lang pagPapastor ang gusto ng lola ko para sa akin. Gusto niya pa nga akong maging pari noon pero naisip nito na ako lang pala ang nag-iisang apo nito." sagot niya sa tanong ko.

"Oo nga no! Haha. Ikaw pa naman 'yung magpaparami ng lahi ng mga Ortega." natatawa kong wika at tumawa rin ito.

Ito na yata ang pinakamahaba naming kwentohan. Matapos naming magbayad ay bumalik na kami sa office. Inihatid niya ako sa pinto ng training room namin. Bago siya umalis may sinabi pa siya na hindi ko inaasahan na sasabihin niya.

"You look very beautiful, by the way."

Trapped (completed)Where stories live. Discover now