Chapter 25

25 0 0
                                    

** BOOOOGSH **

Nasa ilalim pa rin ako ng tubig ng biglang sumisid si Flinn sa pool. Nataranta kasi siguro siya nang hindi ako umahon kaagad. Hinigit ako ni Flinn pataas.

"Ok ka lang?" tanong ni Flinn sa akin na hawak pa rin ako sa braso.

"Ok lang ako. Kinuha ko lang ang nahulog na shot glass." pinakita ko sa kanya ang hawak-hawak kong shot glass.

"Miss Paw. Sir Flinn. Ok lang po ba kayo?" ang tanong ng isang trainee namin ng lumangoy kami papunta sa kanila.

"Ok lang kami." sagot ni Flinn sa kanila.

"Sali po kayo sa laro namin." pag-aya ng babaeng trainee ni Flinn.

"Game." sabi ko na ikinagulat naman ni Flinn.

Hindi ako nagdalawang isip at sumali na sa laro nila. Deep inside siguro gusto ko makapaghiganti.

"Ako na next na magsispin ng bottle diba?" sabi ng babaeng tikoy. Pinaikot niya naman ang bote at saktong tumapat sa akin 'yung bote.

"Miss Paw, laro lang po ito ha." sabi ng babaeng tikoy na parang nag-aalangan.

"Naku! 'Wag kang mag-alala, game akong tao." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ayon naman pala eh. Sports naman pala si Miss Paw." sabi ni Leo.

"Miss Paw, game na ha." sabi ni tikoy. "Take your dress off." nauutal na sabi nito sa akin.

** Ah! Gusto mo ng ganitong labanan ha. ** sabi ng maldita kong konsensya na parang naghahamon ng WWIII

"Sobra naman ya.." sabi ni Chuck na nakatingin kay tikoy.

Tumayo na ako at hindi na pinatapos pa ang pag-aapila ni Chuck.

"Game." nakangising sabi ko kay tikoy. Siya lang talaga ang tinitigan ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang dress ko. Nang matanggal ko na ang dress ko kitang-kita ang pagkatulala ng mga lalaki pati na rin ng mga babae. Hindi siguro nila inaasahan na mala-Ellen Adarna ang ka sexyhan kong angkin. Napangisi ako nang makita ang reaksyon ni Chuck na laglag pangang nakatitig sa akin.

** Ano ka ngayon Chuck? Maglaway ka hanggang ma dehydrate ka. Alam kong namimiss mo na ang alindog ko. **

sabi ng bitch kong konsensya. Minsan lang lumabas ang pagkaBitch ko kaya 'wag kayong loloko-loko. 'I know, I'm such a tease.'

"Ako na ba ang magpapaikot ng bote?" tanong ko sa kanila ng mapansin ang katahimikan nila.

Tumapat sa kay Leo ang bote at ang sinabi ko ang dare sa kanya. Lahat sila ay sports naman at walang ka kime-kimeng ginawa ang dare. Ni wala halos pumili ng truth. Ayaw pakabog. Maya-maya ay tumapat ulit kay Leo ang bote. Matapos niyang gawin ang dare pinaikot nito ang bote.

Tumapat ulit sa akin ang bote. Malaki ang ngisi sa mukha ni Leo. Parang ayaw ko yata ng ngiti nito.

"Miss Paw.. peace tayo ha. Pero isang body shot naman diyan kay Sir Flinn." natatawang sambit ni Leo.

"Body shot! Body shot! Body shot!" ang chant ng trainees namin.

Namula naman si Flinn nang hinila ko siya patayo.

"Flinn, are you ready for me?" I seductively asked him while biting my lower lip.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now