Chapter 28

26 0 0
                                    

"Are you sure about your decision? Hindi na ba talaga magbabago ang pasya mo, Paw?" ang tanong sa akin ni Ma'am Joy nang ibinigay ko sa kanya ang isang sulat.

Tumango lang ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasambitin ang mga salita na gusto kong sabihin sa kanya.

"One year of indefinite leave?" paninigurado nito.

Yes, I applied for one whole year of indefinite leave. Hindi ko masabi sa kanya ang totoong rason kung bakit ko kailangan ang ganitong pamamahinga.

"I won't buy this reason, Paw." sabi pa nito na tila binabasa ako kung iyon nga ba ang dahila.

"You know you can tell me everything, right?" dagdag pa nito.

"Nahihiya po kasi ako sa inyo Ma'am Joy. You know how I value my career at alam niyo na teaching is my passion. But I can't give you 100% of me kung ako mismo sa sarili ko hindi ako sigurado kung buo pa ba ang pagkatao ko." napayuko ako at sinusubukang hindi maiyak.

"I need to fine myself first." mahinang sambit ko.

So, yeah. Matapos ang dalawang linggo matapos kong makita ang ganoong eksena ay lumiban ako sa trabaho at ngayon nga ay nandito ako sa opisina ni Ma'am Joy at humihingi ng pagkakataon para hanapin ang sarili ko.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong 'yan?" paninigurado ulit niya. Tumayo ito at ang ikinagulat ko ay ang biglang pagyakap niya sa akin.

"I hope and I pray that you'll find the happiness that you need." bulong nito sa akin. Dahil sa sinabi niya ay tumulo na naman ang KSP kong mga luha.

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya ng direcho sa mga mata. "Thank you, Ma'am Joy." garalgal kong sabi sa kanya.

"I'm just here if you need someone." at tinapik niya ang balikat ko.

*-*-*

"Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita sa pagsosoul searching mo?" mangiyakngiyak na tanong sa akin ni Eivon.

"Soul searching nga hindi ba? Baka kapag andun ka lalo lang ako mawala ng tuluyan." biro ko sa kanya to lighten up the mood.

"I'll miss you." sabi nito at sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Oh siya, kunin mo na 'tong jowa mo baka mag-iyakan pa kami ng sobra-sobra." sabi ko kay Rhynx na nakamasid lang sa aming drama anthology. Agad naman na hinawakan ni Rhynx ang balikat ng GF nitong OA makaiyak. Akala mo ay mamamatay na ako any minute.

"Take care of her, Rhynx. Love her and don't ever let her go." sabi ko kay Rhynx. Tumango naman ito.

"Aray!" napasigaw si Rhynx ng bigla siyang pinalo ni Eivon sa dibdib. 'Chancing much ang BFF ko.' sabi ko sa isip ko.

"Gagew ka talaga. Alam mo naman na sa susunod na buwan ay babalik ka na sa lupalop na pinaggalingan mo. May pa tango-tango ka pang nalalaman diyan." sabi ni Eivon na inirapan si Rhynx.

"Hep! Aalis na nga lang ako may pa baon pa kayong eksena diyang dalawa." saway ko sa dalawa na tumawa naman.

Matapos ang pagpapaalam ko sa dalawa ay nagsimula na akong maglakad papuntang entrance ng airport para magCheck-in. Pero bago ako pumasok huminga muna ako ng malalim at muling lumingon.

Handa na akong buksan ang puso ko sa taong makakahanap sa akin. Ayaw ko ng tumakbo at magtago pa sa kung anong dahilan. 

Handa na akong magsimula ng bagong buhay na ako lang, na walang Chuck sa buhay ko.

"Bye Manila. Bye Chuck." I said it with finality.

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon