Chapter 33

42 0 0
                                    

"Am I worth the risk? Because for me, you are worth all the risk in the world, Paul." nakangiting sabi nito sa akin.

Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko siya, na nahanap niya ako. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Gusto ko siyang saktan para iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko may isang parte ng sarili ko na gusto siyang patawarin at magsimula na lang kami muli.

"I know hindi ganoon kadali para patawarin mo ako ng ganun-ganun na lang. Please hear me out, Paul." hinawakan niya ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim. Ito ang gusto ko hindi ba? Ang marinig ang kanyang paliwanag.

"Ok." Iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya.

"Alam ko nasaktan kita sa pag-alis ko. Hindi mo lang alam kong gaano ko ka gusto umuwi ng Pilipinas para makasama kitang muli pero naipit ako sa kontrata ko, uuwi na sana ako kung hindi lang ako pinagbantaan ng employer ko na magsasampa ito ng kaso laban sa akin at makukulong ako ng 20 taon. Hindi ko na yata kakayanin pa na mahiwalay sa iyo ng ganoon katagal, Paul. Baka tuluyan na akong masiraan ng bait. Naging duwag ako ng mga panahong iyon, naging mahina ako at higit sa lahat pinagdudahan ko ang pagmamahal mo sa akin. Kaya ko lang naman nagawang iwan  ka para makaipon para maibigay ko ang magandang buhay na kinalakihan mo. Gusto ko maipagmalaki mo ako sa pamilya mo." hindi na nito napgilan pa ang umiyak.

Naaawa ako sa kanya. After all these years ako pa rin pala ang iniisip niya. Naguilty din ako sa ginawa kong pagtalikod sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang patawarin pero marami pa siyang dapat ipaliwanag gaya na lang sa nasaksihan kong eksena kong saan naghahalikan sila ng DiKoy na 'yun.

Ipinaliwanag niya ang lahat-lahat sa akin. Syempre noong una hindi ako naniniwala sa kanya pero alam kong hindi siya magsisinungaling sa akin. Sobrang naaawa ako sa babaeng iyon, pinagtutulakan niya ang sarili niya kay Chuck.

"Bakit, B ang tawag mo sa kanya? At talagang nakikipaglandian ka pa talaga sa GM sa kanya?" naiinis kong tanong sa kanya.

Sa halip na sumagot ay.....

"Hahahahahaha." malakas itong tumawa.

Tumayo na ako para iwan siya. Nakakairita itong lalaki na ito! Hinigit niya ako na kinaupo ko naman sa kandungan niya.

"Bitiwan mo nga ako! Kung akala mo bati na tayo, manigas ka!" singhal ko sa kanya.

"Huwag mong sabihin na pinagseselosan mo siya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng B?" pang-aasar pa nito.

"Hindi ako nagseselos sa dikyang iyon ha! Pwede ba Charles, bitiwan mo ako!" pumipiglas na ako sa kanya pero mahigpit niya lang akong niyayakap.

"Talagang Chuck din ang tawag niya sa iyo?! " dagdag ko.

"Nakakaflatter naman na nagseselos ka. Ibig sabihin nun ay mahal mo pa rin ako." wika nito.

"Asa ka naman!" inirapan ko siya.

"Gusto mo bang malaman ang ibig sabihin ng B na tawag ko sa kanya?" seryosong tanong nito.

"B as in Babe? Baby? Boo or di kaya Bhe? Edi kayo na sweet!" madiin kong wika.

"Bakit ko naman siya tatawaging Babe? Seriously, iyon ang naiisip mo sa pagtawag ko sa kanya ng B?" nagtatakang tanong nito.

"Eh, ano nga ba?" ako.

"B as Baduday. Baduy kasi siya noon manamit. Para siyang manang. Matagal ko na siyang kilala kasi kapatid siya ng kababata ko." pagpapaliwanag nito.

** Sino ang ASSUMERA ngayon?! ** pang-aasar ng atribida kong konsensya.

Bigla niya akong hinarap sa kanya.

"Paul, maniwala ka sana sa akin na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Na ikaw lang ang babaeng ang magiging nanay ng mga anak ko. Na ikaw lang ang magiging ilaw ng tahanan natin. Na ikaw lang magpakailan pa man. Na ikaw lang ang babaeng ihaharap ko sa altar." tuloy -tuloy niyang wika.

With that he took a smaill box on his pocket and opened it. To say I was shocked is an understatement. Na windang ako ng sobra sa ginawa niya. Hindi ko akalain na gagawin niya ito. Lumuhod ito sa harap ko.

"Pauline Lizares, be my wife. I know I'm not some kind of a prince charming in any fairy tale stories but I want to be your happy ever after." nanginig nitong sabi sa akin.

"I thought you wouldn't ask." sabay abot sa kanya ng kamay ko.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now