Chapter 05

50 0 0
                                    

Akala ko kanina ay handa na akong harapin ang bangungot ng nakaraan ko pero bakit nakatunganga at takot na nakatayo lang ako sa pinto ng training room namin na para ba ito ang daan papuntang impyerno? Wala akong lakas ng loob na humakbang papasok ng training room. Para akong nakalubog sa kumunoy na kapag gumalaw ako ay ito na ang magiging katapusan ng buhay ko.

"Miss Paw, may plano ka bang pumasok ng training room natin oh dito na lang natin sa labas gawin ang certification?" Ang tanong ni Jappy na nagtataka.

"I need to tell you something. Please don't tell anyone." Hinigit ko siya sa gilid at sinabi sa kanya ang bumabagabag sa kalooban ko. Mabuti naman at naintindihan niya ang sitwasyon ko.

Napagplanohan nga namin na siya ang magcecertify sa kanya. Hinati namin ang team sa dalawang grupo. Syempre napunta sa kanya ang babaeng tikoy at ang lalaking poste. Labing-isa ang trainees na napunta sa akin habang siyam ang sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng room at pinakilala si Jappy sa buong team. Sinabi ko sa kanila ang flow ng certification process. Kitang-kita sa mukha nila ang kaba pero parang ako yata ang mas kinakabahan. Pinilit kong magsalita ng dahan-dahan para hindi ako magkamali sa mga pinagsasabi ko. Maya-maya pa ay nagsimula na nga kami sa certification namin.

Pagkatapos ng lunch break namin ay nagpatuloy na kami sa certification namin. Dalawa na lang at matatapos na ako sa grupo ko habang si Jappy ay tinatanong pa rin ang babaeng tikoy. Natapos ko na ang grupo ko pero si Jappy ay non-stop pa ring nagtatanong doon sa babaeng tikoy. Gusto ko na siyang patigilin kasi masyado na itong halata.

"Miss Paw?" Nagraise ng kamay ang isang trainee kong lalaki at tinuon ko sa kanya ang atensyon ko.

"Bakit Leo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Miss Paw, kasi po kanina pa yata nasa labas si Charles kakahintay na matapos si Sir Jappy kay Glyden. Kawawa naman po siya doon." Ang sabi nito sa akin.

Alam ko ang ibig sabihin niyang 'yun. Dahil sa sinabi nito gusto ko tuloy siyang i-bagsak sa certification niya!

**Ayaw mo ba talaga akong tantanan, Madam Tadhana?! Utang na loob!! **

Lumingon si Jappy sa akin.

"Ok na kami ni Glyden. Tawagin mo na si Charles ng makapagsimula na kaming dalawa." ang sabi ni Jappy kay Leo kung hindi lang sumabat ang babaeng tikoy.

"Sir Jappy, hindi ko pa po natatapos na i-process ang pagbook ng reservation." Pag-aapila ng babaeng tikoy.

Kita sa mukha ni Jappy ang paghingi nito ng pasensya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?!

"Leo, pakitawag na lang sa kanya sa labas." Hindi ko mabanggit ang pangalan nito.

**Pati ba naman pangalan hindi mo mabanggit?! At umaasa ka pa talaga na makakamove on ka sa ginagawa mong 'yan?!! Smooth move, Pauline! Smooth move!! ** ang galit na tanong ng bitter kong konsensya.

Maya-maya nga ay pumasok na si Leo at nakabuntot sa kanya ang lalaking poste.

**Spell BITTER!! Ura-urada!! ** sigaw na naman ng atribida kong konsensya.

Next thing I knew nakaupo na siya sa tabi ko at naghihintay na patayin ko siya... ay este na magsimula kami sa certification.

"Paul..." ang mahinang sabi nito na halos hindi ko marinig sa sobrang hina ng pagkasabi nito. Nagulat ako sa kanya. Kanina lang ay 'Miss Paw' ang tawag niya sa akin tapos bigla na lang nagbago ito. Siguro naramdaman niya rin ang salitang AWKWARD sa pagitan naming dalawa.

Sa lahat kasi ng mga kakilala ko siya lang ang tumatawag sa akin ng "Paul". Nagkunwari akong hindi ko siya narinig at sinimulan na ang certification process. Hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano pang mga tanong. Pagkatapos niyang i-process ang reservation ay pinabalik ko na siya sa upuan niya kasama ng co-trainees niya na nakatingin sa amin. Nagtataka siguro sila dahil hindi umabot ng limang minuto ang certification nito.

Ito na yata ang pinaka nakaka brain drain na araw sa buong buhay ko bilang trainer. Natapos ang certification namin na lampas galaxy ang stress level ko sa katawan.

Trainer ako sa isang Call Center pero dinaig ko pa ang kargador sa piyer sa sobrang pagod ko.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now